Kaysa ibigay ang suporta sa mga pekeng guy na binobola lang siya, desidedo si Dovie San Andres, sa pag-build-up sa guwapong anak na si Elrey Binoe Alecxander na nasa poder niya sa Canada.
Ayon kay Dovie, bata pa lang si Elrey Binoe ay gusto na talaga nitong mag-artista. Kasi naunsyami ang supposedly first movie nila ng kanyang Mommy Dovie dahil naloko nga ng isang fake movie director.
Pero this time ay seryoso na si Dovie para sa pelikulang gagawin kasama si Elrey Binoe na ididirek ng kaibigan niyang director na si Vic Tiro na expert sa martial arts kaya patuturuan niya rito ang anak.
Pangarap din ni Elrey Binoe na kapag nabigyan ng opportunity ay gusto niyang makatrabaho ang idol na si Robin Padilla. Maliit pa lang daw si Elrey ay marami nang napanood na action movies ni Robin, at gusto niyang maging action star tulad ni Binoe. Gusto rin ni Dovie na mahasa ang singing voice ng anak para sa concert na ipo-produce niya rito sa Filipinas ay maging confident nang kumanta sa stage.
At kung kakanta si Elrey Binoe ay sasayaw naman ng kantang pinasikat ng VST and company ang controversial social media personality Mom na si Dovie.
VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma