Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

D’Ninang, aarangkada na sa Enero 22

ILANG tulog na lang at mapapanood na ang D’Ninang ni Ai Ai de las Alas sa Enero 22 mula sa Regal Films na idinirehe ni GB Sampedro.

Si Ai Ai ay si Ditas, reyna ng mga magnanakaw. Tinaguriang Ninang ng mga alaga niyang tulisan sa teritoryong Cubao—mga batang hamog, budol-budol, snatcher, akyat-bahay, bukas-kotse, atbp.. Mabait, malakas ang pananalig sa Diyos, at may prinsipyo. Ang pagnanakaw para sa kanya ay paraang magpantay ang ‘di-makatarungang pagitan ng mayayaman at dukha.

Si Mikai ay si Kevin Delavin, anak ni Ditas pero hindi alam ang traaho ng ina dahil lumaki sa Quezon kasama ng amang si Berto. May malaking galit sa inang inabandona siya mula pagkabata. Diretso at sunod sa tama tulad ng tatay niyang pulis.

Pangarap niyang maging abogado para ituwid ang mga mali ng mga manggagantso gaya ng nagawa ng tatay niya sa serbisyo.

Si Sol ay si Angel Guardian titibo-tibong kanang-kamay at anak-anakan ni Ditas. Mabilis ang kamay, matalas ang isip, lalo pa ang kanyang dila. Lumayas sa mga magulang niyang madalas siyang pagbuhatan ng kamay, nakahanap ng pamilya sa poder ni Ninang at mga kapwa-magnanakaw. Sa pagdating ni Mikai sa buhay nila, muli niyang mararamdaman na wala siyang lugar sa mundo at sa puso ng kinilala niyang ina na si Ditas. Laging may nakasukbit na suklay sa ulo.

Si Kali ay si McCoy de Leon at nanliligaw kay Mikai na gustong maging pulis, mabait, kuwela, magaling bumanat ngunit hindi nagmumukhang presko dahil napakatotoong tao. Uunahin ang iba bago ang sarili.

Si Norberto ay si Joey Marquez, isang pulis na naka-destino sa Maynila. Sadyang iniwan ang asawang si Ditas bitbit ang anak na si Mikay para  ilayo sa magulong mundo ng krimen.

Si Kelvin ay si Kelvin Miranda, tambay at madalas sa bahay ni Ninang dahil gusto niya si Sol (Angel) pero laging inaasar ng dalaga.

Kasama rin sina Lolo Medi na si Lou Veloso at beteranong magnanakaw sa Cubao. Mukhang sakiting matanda pero kayang patumbahin ang kahit sino sa inuman at sugalan. May pamilya noon, iniwan siya para manirahan sa ibang bansa kaya bumalik sa propesyong nakasanayan na.

Si Lorena ay si Kiray Celis, labandera at plantsadora ni Ninang. Isa ring mandurukot, madaldal, budol-budol. Mas malaki ang kita sa pagnanakaw pero nagseserbisyo kay Ninang bilang utang na loob. Minsan kasi itong nahuli, isinalba ni Ninang at kasalukuyang nagpapalamig. Prangka, walang preno ang bibig.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …