Friday , November 15 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Panawagan ng Multi Homeowners: Help save the Multinational Village against crook intentions

ISA tayo sa mga nalulungkot ngayon sa nangyayari sa komunidad na kasalukuyang manipulado ng Multinational Village Homeowners Association, Inc. (MVHAI).

Supposedly, ang MVHAI, ang unang inaasahang magkakaloob ng proteksiyon sa mga homeowners pero sa nangyayari ngayon mukhang ang mga opisyal ng nasabing asosasyon ang malaking sakit ng ulo ng legal homeowners.

Pitong isyu ang pinag-uusapan ngayon sa buong village na pinaniniwalaang violations din ng MVHAI sa umiiral na By-laws ng asosasyon at sa regulasyon o mismong sa batas na ipinaiiral ng Housing and Land Use Regulatory Board (HLURB).

Una, paggamit ng isang ‘ilegal’ na 2018 By-laws na sinabi nilang inamyendahan mula sa 2006 By-laws.

Ang ‘ilegal’ na 2018 By-Laws ang ginagamit nilang rason kung bakit wala silang paki sa reklamo ng homeowners na nasira ang katahimikan at kaayusan sa loob ng Multinational Village na noon ay itinuturing na Forbes Park of the South.

Bakit po ‘ilegal’ ang 2018 By-Laws?

Kasi po, sinabi ng mga opisyal na pinamumunuan ng kanilang presidente na si Arnel Gacutan na ipinasa umano nila sa HLURB ang amyenda para sa 2006 By-laws.

Pero hindi pala ito totoo. Isang sertipikasyon mula sa HLURB ang nakuha ng mga legal homeowners na nagsasabing: “This is to certify that based on the available records, MULTINATIONAL VILLAGE HOMEOWNERS ASSOCIATION, INC., located at Multinational Village, Parañaque City and registered with the Housing and Land Regulatory Board with Registration No. 18-0225, has not yet applied for amendments of their By-laws & Articles of Incorporation with this office as of October 10, 2019.”

Ang nasabing sertipikasyon ay pirmado ni Teodorico R. Alonzo, Registration Officer III, ENCRTO-HOA, at noted by ni Atty. Ma. Lorina J. Rigor, hepe ng HOA Franchising Unit.

Iisa lang po ang kahulugan nito: DECEPTION!

Malinaw na panlilinlang at panloloko ang motibo ng mga nakaupong opisyal ng MVHAI kung bakit nila sinasabing nakapagpasa sila ng amyenda sa HLURB.

Dahil sa panlolokong ‘yan parang lima-singko ngayon ang mga itinatayong tenement-sized structures sa loob ng Multinational Village. 

Ito ay malinaw na paglabag sa R1 Zoning sa ilalim ng HLURB. Ang kategorya po ng R1 ay one structure, one family policy. ‘Yun kasi ang ultimate goal ng isang subdivision na gaya ng Multi­national Village. Hindi isang commercial area na hinahayaang makapasok sa pinanga­ngalagaang pribadong buhay ng mga homeowners.

Kung sakaling magkaroon ng mga pagbabago, kailangan ay may approval ng homeowners association at hindi puwedeng mga opisyal lang ang magdedesisyon. Dapat may konsultasyon muna sa general membership.

Pero hindi nga nangyari ang konsultasyon sa general membership kaya naniniwala ang malaking bilang ng mga homeowners na ang ginagawa ng mga opisyal ng MVHAI ay “fraudulent, illegitimate, and yes, illegal.”

Bukod diyan ang paggamit na basehan ng MVHAI sa pagpayag nilang magkaroon ng konstruksiyon ng mga tenement-sized structure na malinaw na paglabag sa umiiral na legal na By-laws.

Hindi rin sila naglalabas ng wastong audited financial statement. Maraming multi-million infrastructure projects ang pamunuan ng MVHAI gaya ng country club, swimming pool renovation, firing range… magkano ang kinkita nila rito? At bakit may utang ang Multinational Village sa Parañaque City ng P64 million sa property taxes?  

Nagtatayo sila ng multi-million facilities para sa kanilang sariling kagustuhan at kasiyahan. Nagtayo umano ng country club na hindi naman kumikita. Ipinaayos ang Andew Park ngunit isinasara ang gate pagkatapos maglakad-lakd ng pangulong si Gacutan. Nagtayo rin sila ng “firing range” nang walang konsultasyon sa general membership. Ang firing range ba ay bahagi ng isang subdivision?!

Kung isinara ni Gacutan ang kanyang propriedad sa publiko gaya ng pagsasara sa bahagi ng Rogationist St., patungo sa kanya, bukas na bukas naman sa publiko ang buong Multinational Village sa pamamagitan ng John St.

Higit sa lahat, hindi nireresolba ng pamunuan ng MVHAI ang sumasamang serbisyo sa kabuuan ng Multinational Village gaya ng kakulangan sa tubig, masamang kalsada, tambak-tambak na basura mula sa POGO houses sa mga itnayong tenement-sized structures, mga astig at siga-sigang POGO tenants na pawang dayuhan, faulty electric connections na delikado sa sunog, at kakulangan sa seguridad.

Ayon sa reklamo ng mga homeowner, “Ang damot nila sa serbisyo para sa mga totoong homeowners. Pero para sa mga POGO house, all-out sila. They even allow ingress of construction materials at midnight even it disturbs the sleep and rest of homeowners.”

At sa finale, sinabi ng homeowners: “The village we have now is a far cry from the quiet and pleasant village we had two years ago. We are an unhappy, disturbed, unsecured community living at the mercy of a greedy Board of Directors working only to enrich themselves. How very disgusting!”

Masakit ito para sa inaakusahan at nag-aakusa dahil ang dalawang panig ay kapwa bahagi ng komunidad ng Multinational Village at ng homeowners association.

Bukas po ang pahinang ito sa magkabilang panig, sa layunin na maresolba ang suliranin tungo sa kapayapaan at kaayusan ng buong Multinational Village. 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *