Friday , November 15 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Legal solicitors agrabyado sa tigasing illegal transport ‘tusok’ group sa NAIA T1, bakit?

ISANG astig na illegal transport group ang namamayani ngayon sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1.

Bakit ‘kan’yo?

Aba, kahit ireklamo sila at hulihin ng mga kagawad ng Airport Police (APD), aba ‘yung sumita ang natatanggal sa NAIA at naipatatapon sa malayong lugar o kaya ay sa kangkungan.

Wattafak!

Dinaig pa ang mga legal na solicitor.

Itong illegal transport ‘tusok’ group umano ay nag-o-operate sa arrival extension kahit ban at walang pass.

Ganoon sila kalakas.

Ang ipinagtataka ng legal solicitors, magkano at sino kaya patong sa nasabing transport group?

Sa ‘parlance’ ng  transport group, mga ‘tumutusok’ lang ‘yan sa arrival at ‘yung mga sasakyan nila ay hindi pumipila.

Kaya talagang kawawa ang legal solicitors at ‘yung mga humuhuling APD sa mga ‘tusok’ na tinatawag.

Sa katunayan, masyado na raw mababa ang moral ng mga taga-APD. Kasi nga naman, sila na ang nagtatrabaho nang tama, sila pa ang naipatatapon sa kangkungan.

E sino kaya ‘yang lakap nang lakap ng kapal ng mukha at mohilig mang-agrabyado ng legal solicitors?!

Aba ‘e kilalang-kilala daw ‘yan sa NAIA terminal 1.

 

PRESYO NG GAMOT
DAPAT TUTUKAN
NI PANGULONG
DIGONG

DAPAT talagang tutukan ng pangulo ang mga kompanyang gumagawa o distributor ng  gamot na balansehin ang  kita at malasakit sa mga Filipino.

Sabi ng ni Chairman ng Senate Committee on Health, Senator Bong Go, 2008 pa ang Cheaper Medicine Act kaya nakakapagtakang kailangan pang hintayin na makailang palit ng pangulo bago ito ipatupad nang  tuluyan.

Pabor umano si Pangulong  Rodrigo Duterte sa isinumiteng  draft EO on maximum retail price ng 122 gamot ng Department of Health.

Ani Go, maraming nangangailangan ng  gamot kaya naman kahit mataas ang presyo ay no choice ang mga tao kundi ang bumili dahil gusto nilang mabuhay.

Totoo namang kailangang kumita ng mga kompanya ng gamot pero dapat balanse at isipin din ang kapakanan ng mga mamamayan lalo ang mahihirap na may sakit.

Deserving ang mga Filipino sa murang gamot pero dahil mas mura ang gamot sa ibang mga bansa, mas pinipili ng  ilan ang mag­pa­gamot sa ibang  bansa para makatipid.

Kaya kung maisusulong ang EO on maximum retail price ng 122 gamot ng Depart­ment of Health, malaking bagay sa mahihirap na Filipino ‘yan.

At sana isunod din riyan ang iba’t ibang laboratory na kailangan ng mga maysakit para sa wastong diagnosis.

Puwede po ba, Pangulong Digong?!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *