Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Duterte cronies target sa water services?

PLANO ni Pangulong  Rodrigo Duterte na ipasa sa kanyang cronies ang water concession agree­ment kaya walang puk­nat sa pagbira sa Manila Water at Maynilad, ayon sa isang labor goup.

Sinabi ni Leody de Guzman, pangulo  ng Bukluran ng Mangga­gawang Pilipino (BMP), nais ni Duterte na baklasin ang dalawang naturang water distributors at ibigay ang kontrata sa  kanyang mga kaibigang sina Dennis Uy, Ramon Ang, at mag-asawang dating Senate President Manny Villar at Senadora Cynthia Villar.

Ginawa ni De Guzman ang pahayag bilang reaksiyon sa pag-aalok ni Pangulong Duter­te sa dalawang water firms ng mga bagong kontrata na hindi umano nagtataglay ng mga pro­bisyon na maka­sasama sa gobyerno at sa publiko.

Ayon kay Duterte, dapat tanggapin ng Manila Water at Maynilad  ang bagong kasunduan dahil kung hindi ay iuutos niya ang military takeover sa operasyon ng dala­wang water utilities.

Ngunit kahit tangga­pin ng dalawang water concessionaires ang bagong kasunduan ay wala aniyang katiyakan na makatatakas sila sa pag-uusig.

Paulit-ulit na binati­kos ni Duterte ang kasun­duan na binuo noon pang 1997 (panahon ni Fidel Ramos) na tatagal hang­gang 2022 at pinalawig ng MWSS hanggang 2037 noong 2009 (panahon ni Gloria Macapagal-Arroyo).

Gayonman, binawi ang extension ng con­cession agreement maka­raang matuklasan ang umano’y hindi maka­tarungang mga probisyon na nakapaloob dito.

Pero naniniwala ang BMP leader, ang tunay na layunin ni Duterte sa pagbira sa dalawang water firms ay para ipasa ang kontrata sa mga kaibigan ng Pangulo.

“Ang patunay diyan ay wala siyang  plano na ipagbawal ang pri­vatization sa tubig at sektor ng serbisyo tulad ng koryente, ospital, paa­ralan, at transportasyon,” aniya.

Nagsimula ang pri­vatization noong admi­nistrasyon ni yumaong Pangulong Corazon Aquino.

Ang mag-asawang  Villar ay pinaniniwalaang nagbigay ng pondo sa kampanya ni Duterte sa pagkapangulo noong 2016 at ang sinasabing ‘bayad’ dito ay pag­pu­westo sa  kanilang anak na si Las Piñas Rep. Mark Villar sa Department of Public Works and Highways (DPWH).

Nakapuwesto rin ang asawa ni Sec. Villar na si dating Rep. Emmeline Aglipay Villa bilang Department of Justice (DOJ) undersecretary.

Pasok ang pamilya Villar sa negosyong distri­busyon  ng tubig sa mga lalawigan sa pama­magitan ng kompanya nilang Prime Water In­frastructure Cor­pora­tion.

Si Uy naman na taga-Davao ang may-ari ng Dito Telecommunity Corporation (dating Mislatel o Mindanao Islamic Telephone), ang ‘third telco’ ng bansa, kasosyo ang China Tele­com na pag-aari ng pamahalaan ng China.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …