Thursday , December 12 2024

Mall parking na walang paki sa customers dapat kastigohin ng Kongreso

PANAHON na para ipadama ng mga mambabatas ang kanilang tunay na pagmamalasakit sa mamamayang Filipino.

Ngayong isa sa kanilang mga kapwa-mambabatas ang nabiktima ng bukas-kotse gang sa loob ng parking area ng isang kilalang mall sa bansa, panahon na para tanggalan nila ng ‘pangil’ ang mga aroganteng  may-ari ng mall.

Lahat ng mallgoers ay nakararanas ng kawalan ng pakialam ng security guards sa partikular at ng mall management sa kabuuan tuwing mabibiktima ng mga kriminal sa loob ng kanilang area of responsibility.

Hindi ba’t pagpasok pa lang sa parking ay makikita na natin ang malaking signage na walang pakialam ang security management ng mall kung ano man ang mangyari sa sasakyan na ipa-park sa kanila, masira, manakawan o makarnap man ito?!

At habang binabasa ito ng customer, inaabot naman ng kahera ang resibo para pagbayarin ka sa paggamit ng parking area nila.

Ang inyo pong lingkod ay biktima rin ng bukas-kotse gang. Nalingat lang at bumili ng maiinom ang driver ko, nadale na agad ang kotse ko.

Naniniwala tayo na ang bukas-kotse gang ay hindi isang ala-tsambang kriminal. Sindikato ito at maraming miyembro.

Malamang pagpasok pa lang sa mall ay may spotter na kung kaninong kotse ang bibiktimahin nila. Ganoon din naman sa mga outdoor parking space.

Kung ganito kalaki ang sindikatong ito, na tila hindi rin kayang sugpuin ng pulisya o ng ibang awtoridad, aba’y dapat nang gumawa ng batas ang mga kongresista at senador para protektahan ang mga kawawang biktima.

Palagay natin ay dapat obligahin ang mga mall na maglagay ng isang komprehensibong CCTV camera hindi lamang para sa recording ng mga pangyayari kundi sa aktuwal na monitoring sa mga naka-park na sasakyan sa loob ng kanilang bisinidad.

At pagmultahin, patawan ng kaukulang disiplina hanggang sa suspensiyon ng operasyon ng buong mall ang maging kaparusahan para maramdaman nila ang pagbabalewala nila sa kanilang customers.

Kung malalagay sa alanganin ang lisensiya ng kanilang operasyon, palagay natin ay magtatanda ang mall owners o iba pang establishments para pangalagaan nila ang kanilang customers.

Batas na may pangil lang po ang kailangan, mga kagalang-galang na mambabatas!

Puwede ba?!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *