Friday , November 15 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Mall parking na walang paki sa customers dapat kastigohin ng Kongreso

PANAHON na para ipadama ng mga mambabatas ang kanilang tunay na pagmamalasakit sa mamamayang Filipino.

Ngayong isa sa kanilang mga kapwa-mambabatas ang nabiktima ng bukas-kotse gang sa loob ng parking area ng isang kilalang mall sa bansa, panahon na para tanggalan nila ng ‘pangil’ ang mga aroganteng  may-ari ng mall.

Lahat ng mallgoers ay nakararanas ng kawalan ng pakialam ng security guards sa partikular at ng mall management sa kabuuan tuwing mabibiktima ng mga kriminal sa loob ng kanilang area of responsibility.

Hindi ba’t pagpasok pa lang sa parking ay makikita na natin ang malaking signage na walang pakialam ang security management ng mall kung ano man ang mangyari sa sasakyan na ipa-park sa kanila, masira, manakawan o makarnap man ito?!

At habang binabasa ito ng customer, inaabot naman ng kahera ang resibo para pagbayarin ka sa paggamit ng parking area nila.

Ang inyo pong lingkod ay biktima rin ng bukas-kotse gang. Nalingat lang at bumili ng maiinom ang driver ko, nadale na agad ang kotse ko.

Naniniwala tayo na ang bukas-kotse gang ay hindi isang ala-tsambang kriminal. Sindikato ito at maraming miyembro.

Malamang pagpasok pa lang sa mall ay may spotter na kung kaninong kotse ang bibiktimahin nila. Ganoon din naman sa mga outdoor parking space.

Kung ganito kalaki ang sindikatong ito, na tila hindi rin kayang sugpuin ng pulisya o ng ibang awtoridad, aba’y dapat nang gumawa ng batas ang mga kongresista at senador para protektahan ang mga kawawang biktima.

Palagay natin ay dapat obligahin ang mga mall na maglagay ng isang komprehensibong CCTV camera hindi lamang para sa recording ng mga pangyayari kundi sa aktuwal na monitoring sa mga naka-park na sasakyan sa loob ng kanilang bisinidad.

At pagmultahin, patawan ng kaukulang disiplina hanggang sa suspensiyon ng operasyon ng buong mall ang maging kaparusahan para maramdaman nila ang pagbabalewala nila sa kanilang customers.

Kung malalagay sa alanganin ang lisensiya ng kanilang operasyon, palagay natin ay magtatanda ang mall owners o iba pang establishments para pangalagaan nila ang kanilang customers.

Batas na may pangil lang po ang kailangan, mga kagalang-galang na mambabatas!

Puwede ba?!

 

BORDER CONTROL
& INTEL UNIT NG BI-NAIA
GINAGAWANG ENGOT
NI ALYAS MANASALSAL

ISANG alyas Manasalsal ang walang pakundangan at walang respeto sa kanyang mga kasamahan sa Border Control & Intelligence Unit ng Bureau of Immigration sa NAIA Terminal 1 dahil sa lantarang “escort service.”

Walang pakundangan dahil sa kanyang operation escort service sa mga ilegal na Chinese at Korean nationals, ang walang takot na pinalulusot sa NAIA Terminal 1.

Bukod pa riyan ang mga Pinoy tourist workers na pinalulusot din niya para makalabas ng bansa. Ito pong mga Pinoy tourist workers ay ‘yung target magtrabaho sa lugar na pupuntahan nila kahit wala silang OEC mula sa POEA.

Diyan kumikita nang laksa-laksa si alyas Manasalsal. Ang hindi natin maintindihan, bakit parang walang paki ang mga hepe ni alyas Manasalsal.

Bakit tila bulag, pipi, at bingi sila sa mga aktibidad ni Manasalsal. Nakikinabang ba sila?!

Supposedly, ang BI-NAIA Border Control & Intelligence Unit ay may tungkulin na mangalaga sa seguridad ng bansa sa pamamagitan ng pagbabantay sa border ng ating bansa.

E bakit, may isang miyembro sila na pasimuno ng escort service?

E kung ganyan lang din naman ang gagawin ng ilang miyembro nila at hindi nasasawata ng kanilang hepe, aba, palitan na natin ang pangalan, gawin na lang Border Control & Escort Unit?!

Ano sa palagay ninyo Atty. Tacorda?!

Ayos na ayos ba ‘yan sa inyo ni alyas Manasalsal?!

Apir na apir ‘di ba?!

Ayos na ang buto-buto n’yo!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *