SISING-SISI ang isang magandang telecom company manager makaraang ibigay ang sarili at lasapin ang sarap kapalit ang isang oras na kaligayan sa kamay ng inakala niyang lover ngunit magnanakaw pala sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.
Dakong 9:00 pm kamakalawa ng gabi nang mag-check-in sa isang motel sa Brgy. Potrero ang biktimang itinago sa pangalang Jovy, 47 anyos, kasama ang suspek na kinilalang si Kirby Villanueva. 41 anyos.
Batay sa ulat ni P/MSgt. Julius Mabasa, noon lamang 3 Enero, nagkakilala ang biktima at ang suspek na si Villanueva at dahil sa matatamis na pambobola ng lalaki ay agad bumigay ang babae na makipagkita sa isang fastfood restaurant.
Mula sa resto ay niyaya ni Villanueva na pumasok sa motel at kotse pa ng biktima ang gamit hanggang isang oras nilang nilasap ang inakalang tamis ng pagmamahalan.
Matapos ng sex bout, niyaya siya ng suspek na kumain sa labas ng motel at sinabing iwan na lamang ang kotse dahil babalik naman sila pagkatapos kumain upang ituloy muli ang kanilang pagniniig.
Sa isang teahouse sa Caloocan City humantong ang dalawa, bago dumating ang mga inorder na pagkain, nagpaalam ang suspek na tutungo sa banyo pero hindi na ito bumalik dahilan upang bumalik sa motel ang babae.
Natuklasan ng biktima na nawawala na ang mga mamahaling gamit kasama ang mga gadget, relo, salapi, ATM cards at kanyang identification cards.
Ayon sa pulisya, modus operandi ng suspek na gamitin ang kanyang gandang lalaki upang mambiktima ng mga babaeng kanyang pangangakuan ng pag-ibig ngunit matapos patikimin ng sarap ay kanyang pagnanakawan.
Sinabi ni P/Sgt. Mabasa na ganito rin ang kahalintulad na insidente sa Maynila at Pasay na nakunan ng CCTV at iisa lang ang pigura ng lalaking suspek.
(ROMMEL SALES)