Saturday , November 23 2024

Traslacion 2020 may bagong ruta

INILABAS na ang magi­ging ruta ng Traslacion 2020  na magsisimula 7:00 am sa 9 Enero mata­pos isapinal kahapon ng umaga.

Mula Qurino Grand­stand sa Rizal Park kaka­liwa sa Katigbak Drive patungong Padre Burgos St., kanan sa Padre Bur­gos  St., patungong Finance Road (counter­flow), kaliwa sa Finance Road patungong Ayala Boulevard sa kanan counterflow saka kaka­liwa sa Palanca St.

Pagsapit sa area ng Quaipo kakanan sa Quezon Blvd., kanan sa Arlegui St., kanan sa Fraternan St., kanan sa Vergara St.,  kaliwa sa Duque de Alba St., kaliwa sa Castillejos St., kaliwa sa Farnecio St., kanan sa Arlegui St., kaliwa sa Nepomuceno St., kaliwa sa Concepcion Aquila St., kanan sa Carcer st., kanan sa Hidalgo patungong Plaza Del Carmen.

Kaliwa sa Bilibid Viejo patungong Gil Puyat , kaliwa sa J.P. de Guzman St., kanan sa Hidalgo St., kaliwa sa Quezon Blvd., kanan sa Palanca St., patungong ilalim ng Quezon Bridge, kanan sa Villalobos patungong Plaza Miran­da hanggang makapasok sa dambana ng simbahan ng Quiapo ang Itim na Nazareno.

Una nang inihayag ng Minor Basilica ng Black Nazarene na hindi nila layong pahabain o paikliin ang ruta ng Traslacion kundi nais na panatilihing ligtas ang mga deboto nang hindi na payagan ng DPWH na daanan ang Jones Bridge, MacArthur at  Quezon Bridge.

Kasabay nito, nasa 16,000 puwersa ng Philippine National Police (PNP) ang itatalaga sa taunang pagdiriwang, ayon na rin kay NCRPO Chief P/BGen. Debold Sinas.

Ayon kay Sinas, hindi niya magagarantiyahan na hindi mabubuwag ang magsisilbing barikada sa Andas o ang tinawag nitong Andas wall ngunit pipilitin nilang huwag masira, maging maayos at payapa ang buong Traslacion.

Kaugnay nito, naki­kipag-ugnayan ang mga chief of police sa Metro Manila sa mga deboto sa kanilang nasasakupan upang ipaalam ang ilang pagbabago at patakaran sa Traslacion.

Nakiusap ang buong organizer committee ng Traslacion 2020 sa mga deboto na makiisa, maki­pagtulungan, pairalain ang kahinahunan upang walang masaktan dahil ito ay gawaing banal na dapat igalang.

ANDAS WALL
BABANTAYAN
NG 2,000 PULIS

MAGLALAGAY ng “Andas wall” o harang na binubuo ng mahigit 2,000 police personnel sa pali­gid ng Andas ng Itim na Nazareno sa araw ng Traslacion sa Huwebes, 9 Enero 2020.

Sinabi ni NCRPO P/BGen. Debold Sinas, gaya ng naging konsepto nila noong Thanksgiving procession noong 31 Disyembre, gagayahin ngayong Traslacion 2020, may temang  ”Iba’t ibang  Kaloob, Isang Debo­syon, Tungo sa Isang  Misyon” ang gina­wang deployment ng mga pulis sa paligid ng Andas.

Ayon kay Sinas, ang naturang bilang ng mga pulis ay ilalagay sa una­hang bahagi at bawat gilid ng Andas upang hindi na magawang sumalubong ang mga deboto.

Paliwanag ni Sinas, open ang likurang bahagi ng Andas at doon maaa­ring lumapit ang mga deboto upang makasam­pa sa Andas o maka­su­nod sa daloy ng pru­sisyon.

Sinabi ng kinatawan ng Department of Public Works and Highways (DPWH), maglalagay sila ngayong hapon ng barbwire sa steel beam ng  Ayala Bridge upang hindi na magawang maka­akyat ng mga debo­to na nais sumampa sa Andas.

Layon din nito, ayon kay Sinas na walang mapahamak o mahulog na deboto sa tulay sa kasag­sagan ng Trans­lacion ng milyong-milyong deboto.

Ilan sa dumalo sa press briefing ang mga kinatawan ng  Armed Forces of the Philippines (AFP) , DPWH, Depart­ment of Health (DOH), Manila Police District (MPD) sa pangunguna ni P/BGen. Bernabe Balba, Metro Manila Develop­ment Authority (MMDA), National Parks Development  Committee (NPDC), Office of Civil Defence (OCD), National Disaster Risk Reduction Managemnet Council (NDRRMO), Philippine Coast Guard (PCG), Bureau of Fire Protection (BFP), at iba pang ahen­siya ng gobyerno na katuwang sa pagpapa­tupad ng kaayusan at seguridad sa buong pag­diriwang ng kapis­tahan ng Quaipo partikular sa Traslacion.

Ayon sa MMDA, ipag­babawal ang lahat ng uri ng sasakyan sa ruta ng Traslacion gayondin sa Qurinio Grandstand ka­sa­ma rito ang mga behi­kulo ng media, gayondin, ipagbabawal din ng pamunuan ng NPDC ang mga vendor sa Quirino Grandstand.

Sinabi ng DOH na code white alert ang kanilang personnel at mga pasilidad at mayroon silang ide-deploy na 20 medical teams katuwang ang Philippine Red Cross at Manila Health Depart­ment.

Mayroong 550 person­nel, 17 firetrucks na ide-deploy ang BFP sa buong ruta ng Traslacion. Nasa 1,000 personnel ang ide-deploy ng MMDA.

MGA RESTRIKSIYON

Sinabi ni Sinas, bawal ang mag-agawan sa lubid, bawal ang isang grupo ng deboto na papa­sok sa Traslacion, bawal sumalubong, bawal ang tambol upang maging solemn o taimtim ang gagawing pagdarasal ng mga dadalo sa prusisyon.

Sinabi ng pamunuan ng simbahan ng Quaipo sa pangunguna nina Rev. Fr. Douglas Badon (Parochal Vicar), Rev. Mnsgr. Hernando Coro­nel, Rector/Parish Pariest ng Quaipo Church na huwag nang sumama at lumapit ang mga buntis o nagdadalang-tao sa daraanan ng prusisyon.

Huwag sumama sa prusisyon ang mga may kapansanan. Huwag magsama ng bata at huwag hayaang lumapit sa prusisyon. Huwag magsuot ng mga alahas o relo o anumang mamaha­ling bagay o gamit upang hindi manakawan at madukutan.

Huwag magkalat at gumamit  ng mga paputok (firecrackers). Huwag sumiksik sa makikipot at delikadong lugar lalo sa mga gilid-gilid o sa mga dulo na may pader dahil maiipit kapag dumagsa ang agos ng mga mamamasan.

Huwag pumuwesto sa daraanan ng mga mamamasan sapagkat ang bugso ng puwersa ng kumikilos na prusisyon ay maaring makaipit sa daraanan. Pinaalala­hanan din ang mga ma­ma­masan na huwag umak­yat sa altar sa Lune­ta o sa altar ng simbahan.

Isko sa politiko:
‘WAG TANGKAING
MAGLAGAY NG ‘PABATI’

NAGBABALA si Mayor Francisco “Isko Moreno” sa mga politiko na huwag tangkain pang maglagay ng mga pabati kaugnay sa kapistahan ng Quaipo.

Ayon kay Moreno, kahit anong uri ng pagbati gaya ng tarpaulin ay kanilang tatanggalin dahil ang Traslacion aniya ay panahon ng magmumuni-muni o pagdarasal.

Nais aniyang maaa­yos ang Traslacion at ayaw niyang may makikitang sagabal para sa mga debotong lalahok sa prusisyon.

“Masasayang lang ang pera ninyo, kaya kayo riyan na mga politiko, huwag na kayong maglalagay ng pagbati ninyo dahil masasayang lang, kukunin namin lahat ‘yan,” babala ng alkalde.

Samantala, idinagdag ni Moreno na tutulong na lamang siya sa moni­toring kasama ng mga pulis para sa pagpapa­tupad ng seguridad at kaayusan sa Maynila simula sa gaganaping pahalik, vigil, at sa mis­mong araw ng Traslacion.

Muling ipinaalala ni Moreno ang truck ban na magsisimula bukas gayondin ang “total no obstruction” policy sa 8-9 Enero 2020 sa daraanan ng prusisyon.

Pinaalalahan din ang mga residente sa Quaipo na bawal ang uminom sa labas ng bahay kahit Kapistahan ng kanilang lugar.

Kailangan aniya sa loob ng bahay lamang uminom upang hindi magulo at maging paya­pa.

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

arrest, posas, fingerprints

Sa Bataan
P1.7-M DROGA NASAMSAM, 2 TULAK TIKLO

DALAWANG suspek na itinuturing na high value individuals ang nasakote sa magkahiwalay na buybust operations …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *