Sunday , December 21 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bangkay nakasilid sa sako, itinapon sa tapat ng bahay

NAKATALI pa ng kurtina ang kamay at isinilid sa sako nang matagpuan ang bangkay ng isang lalaki sa harap ng isang bahay sa Baseco Compound, Port Area, Maynila.

Sa pagsusuri ng pulisya, nakitaan din ng marka sa leeg na indikasyon na binigti ang biktima na inilarawang nasa edad 30 hanggang 35 anyos, may taas na 5’6 hanggang 5’11, nakasuot ng navy blue T-shirt at gray cargo shorts, may tattoo sa kanang braso na “only God knows  why” at sa kaliwang braso naman ay “Teresa” habang sa kanyang likod ay “Jhuliana.”

Sa ulat, natagpuan ang biktima sa harap ng isang bahay sa 098 Block 9 Extension New Site, Baseco Compound, Port Area ganap na 4:00 am.

Nakapatong umano ang sako sa isang kahoy na upuan na tinabunan ng kapote.

Patuloy ang pangangalap ng impormasyon ng pulisya para malaman kung sino ang nag-iwan sa bangkay ng biktima.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Laoang Northern Samar PNP

Sa Laoang, Northern Samar
P.1-M cash, alahas isinauli ng nakapulot na magsasaka

PINURI ng pulisya at netizens ang isang magsasaka nang isauli ang napulot na bag na …

Maria Catalina Cabral

DPWH Ex-Usec. Cabral patay sa Tuba, Benguet

HATAW News Team PATAY ang dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) …

Marikina

Pamamahala sa trapiko at seguridad sa Pasko, tututukan ng Marikina LGU

BILANG paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mamimili at motorista ngayong Christmas season, iniutos ni Marikina …

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …