Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sa Pulse Asia Survey: Cayetano, highest sa pagtaas ng rating

NAITALA ni House Speaker Alan Peter Cayetano ang pinakamataas na pagtalon ng approval at trust rating sa Pulse Asia Survey sa apat na pinakamatataas na opisyal ng bansa kabilang na dito si Pangulong Duterte   Vice President Leni Robre­do at Senate President Tito Sotto.

Ang survey ay isinagawa mula 3-8 Disyembre kasabay ng pagho-host ng Filipinas sa 30th Southeast Asian (SEA) Games. Tumaas ng 16% ang approval rating  ni Cayetano mula sa Pulse Asia Survey noong Setyembre at 14% naman ang itinaas ng trust rating ng Speaker of The House.

Ang aporoval rating ni Cayetano noong Se­tyem­bre ay 64% at ngayon ay tumalon sa 80% sa pinakahuling survey ng Pulse Asia. Tumalon sa 76% ang kanyang dating 62% trust rating. Bukod dito, bumaba rin ng 11% mula sa 29% hanggang 18% ang ‘undecided’ para kay Cayetano.

Parehong 12% ang itinaas ng approval rating ni Sotto at pareho rin 9% ang itinaas ng trust at approval rating ng pangu­lo.  Walong porsiyento ang itinaas ng approval rating ni VP Leni at 7% ang itinaas ng kanyang trust rating.

Kaugnay nito, pinasa­lamatan ni Cayetano sa isang pagtitipon ang mga kasapi ng kongreso at mga empleyado nito sa  sigasig at determinasyon  na matalakay at maipasa ang mga panukalang batas lalo ang priority measures ng Duterte administration.

Sa tala ng Rules Committee ng Kamara,  umabot sa 900 panukala ang iprinoseso ng kapulu­ngan mula buwan ng Hulyo hanggang ngayong Pasko sa ilalim ng pamu­nuan ni Cayetano.

Ayon kay Rules Committee Chairman Martin Romualdez, ito ay katumbas sa 28 panukala ka­da araw sa loob ng 32 araw na sesyon ng kamara. Dalawa rin ang ganap na naging batas kabilang ang pagtatatag ng Malasakit Centers at ang Pagpapaliban sa bara­ngay elections.

Nakatakda rin lag­daan ng pangulo bago matapos ang taon ang 2020 General Appro­priations, ang Sin Taxes at ang Salary Stan­dar­dization na naglalayong dagdagan ang sahod ng mga manggagawa sa gobyerno. Nasa 93 naman ang mga panukala na pinagtibay ng kamara sa 3rd o final reading.

Kabilang dito ang pagpapababa sa optional retirement ng mga kawani ng pamahalaan mula 60 pababa sa 56 anyos.

Matatandaang naita­la ni Cayetano noong Setyembre sa Pulse Asia ang pinakamataas na trust at approval ratings ng isang Speaker of the House sa kasaysayan ng Kongreso. Lalo pa itong lomobo ngayong Pasko dahil sa 16% at 14% at itinaas sa trust at approval ratings nito.

HATAW News Team

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …