Sunday , November 17 2024

Marikina City, host sa 2020 Palarong Pambansa

NAPILI ng Department of Education (DepEd) ang lungsod ng Marikina bilang bagong host ng 2020 Palarong Pambansa matapos ang pag-atras ng orihinal na host na Occidental Mindoro.

Inianunsiyo ni Under­secretary at Palarong Pambansa secretary general Atty. Revsee Escobedo ang balita mula sa isang opisyal na sulat na inilabas nang sumu­nod na araw.

Nakapagpadala na ang DepEd ng team na mag-iinspeksiyon sa sports facilities ng “Shoe Capital of the Philip­pines” sa parehong araw.

Nakiusap na rin sila sa lungsod na magbigay ng listahan ng iba pang posibleng pagdarausan ng Palaro.

Ayon sa mga ulat, napilitang umatras sa pagho-host ang Occi­dental Mindoro dahil sa bagyong Tisoy na suma­lanta sa lalawigan nitong unang bahagi ng buwan ng Disyembre.

Ikaapat ang Marikina sa mga siyudad sa NCR na magho-host ng Pala­rong Pambansa matapos ang Manila, Quezon City at Pasig.

(EDWIN MORENO)

About Ed Moreno

Check Also

Krystall Herbal Oil, mosquito bite, Kagat ng lamok

‘Papak ng lamok’ sa Dengue season pinahina ng Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …

Krystall herbal products

OFW tuwang-tuwa sa mga pabaon na produktong Krystall ng FGO

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sister Fely Guy Ong, Ako po ay …

DOST 1 Director Champions Gender Sensitivity and Mainstreaming at ISPSC

DOST 1 Director Champions Gender Sensitivity and Mainstreaming at ISPSC

Dr. Teresita A. Tabaog, Regional Director of the Department of Science and Technology Region 1 …

Hotel Sogo NCIP MOU Signing

Hotel Sogo and NCIP Forge Partnership to Support Indigenous Communities

A Memorandum of Understanding (MOU) was signed between the Hotel Sogo and National Commission on …

NIVEA South Korea

Nivea’s 10 out of 10 care celebration continues, empowering you to embrace your glow

NIVEA, your trusted skin care partner, recently marked a significant milestone in its commitment to …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *