Wednesday , December 25 2024

House Speaker Alan Peter Cayetano nakakuha ng pinakamataas na approval at trust ratings, ayon sa Pulse Asia survey

Lumabas na si Speaker Alan Peter Cayetano ang nanguna sa apat na pinakamataas na opisyal ng bansa sa bagong survey na inilabas ng Pulse Asia, kung saan siya ay nakakuha ng mataas na approval at trust ratings simula pa noong Setyembre.

Ayon sa poll mula December 3 hanggang December 8, ang approval rating ni Speaker Cayetano ay nasa 80 percent, ito ay umangat ng 16 percent mula sa kanyang September rating na 64 percent. Ang trust rating naman ni Cayetano ay umangt sa 76 percent, at ito ay may pagtaas na 14 percent kumpara sa 62 percent rating na kanyang nakuha tatlong buwan na ang nakalipas.

Ngunit hindi lang ito yun.

Pagdating naman sa ratings, naunahan ni Cayetano si Vice President Leni Robredo, na naiwan at nagiisang who national government official na nakakuha ng 50 percent approval at trust rating range.

Ang trust rating ni Cayetano na 76 percent ay mas mataas ng 23 percentage points kumpara kay Robredo na may 53 percent, at ang 80 percent sa approval ratings ng Speaker ay 22 percent na higit pa sa 58 percent ng vice president.

Sa katotohanan, ang resulta ng Pulse Asia survey na pumaoabor kay Cayetano ay di na kagulat-gulat.

Ang bata subalit puno na ng experience bilang government official ay nakagawa na ng maraming achievements sa dami ng taon niya bilang public servant.

Ang 18th Congress ng House of Representatives sa ilalim ng kanyang pamamahala ay isa sa mga produktibong sangay ng pamahalaan sa bansa.

Ilan lamang rito, matapos ang ilang buwan lamang sa panunungkulan, ay ang pag-apruba ng unang tax measure ng Duterte administration.

Ilang buwan matapos mahalal bilang Speaker, ang House ay nakapag-approve sa third and final reading ng House Bill 1026, na may layuninh itaas ang excise tax sa alcohol, vape products at tobacco.

Isa rin sa kanyang achievements ang matagumpay na pag-host ng bansa ng 30th South East Asian Games.

Tinanggap ni Cayetano ang hamon sa pag-organisa ng biennial sports event bilang chair ng Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee at lumabas na matagumpay ito at nagbigay karangalan sa bansa.

Sa katunayan, sa ilalim ng kanyang pamamahala sa PHISGOC kung saan nagawaran pa ng Special Excellence Award mula sa Sports Industry Awards Asia dahil sa maayis na trabaho ng committee sa pag-host ng mahigit 500 sporting events at kumalinga sa 5,000 athletes mula sa iba’t ibang parte sa Southeast Asia.

Ibayong kagalakan din ang nadama ng sambayanan sa magarbong SEA Games opening ceremonies sa Philippine Arena, kung saan mga Filipinos at foreigners ay namangha sa magandang opening ceremonies sa history ng SEAG.

Sa 30th SEA Games, ang Team Philippines ang lumabas din na nangunguna bilang overall champion, sa kabuuang 149 gold, 117 silver at 121 bronze medals, at may total na 387 medals.###

About hataw tabloid

Check Also

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *