Wednesday , December 25 2024

Sa 2 insidente sa Rizal at Cavite… 11 patay, 30 sugatan sa banggaan ng 3 trucks at 13 pang sasakyan

Sa Cardona, Rizal
9 PATAY
SA BANGGAAN
NG 2 TRAK
AT JEEPNEY

SIYAM na buhay ang kinitil nang bumangga ang isang 10-wheeler truck sa kasalubong na kapwa truck at jeepney sa bayan ng Cardona, lala­wigan ng Rizal kahapon ng umaga, 17 Disyembre.

Kinilala ng pulisya ang tatlo sa siyam na namatay na sina Maximo Julian, 60 anyos, Jan Brian Madaya, at John Lester Lambrinto.

Parehong mag-aaral ng ICCT Colleges sa lalawigan ng Rizal sina Madaya at Lambrinto.

Naganap ang bang­gaan dakong 6:00 am sa bahagi ng national road sa Barangay Looc sa natu­rang bayan.

Nabatid na galing sa Morong, Rizal ang truck at patungo sa LLDA National Highway.

Ayon sa imbestigador ng kaso na si P/MSgt. Lediboy Tamares, nawa­lan ng kontrol ang driver ng truck habang bina­bagtas ang pababang kalsada at bumangga sa isang pampasaherong jeep na minamaneho ni Fernando Bandril at isa pang trak na puno ng buhangin na minamaneho ni Ronilo Caballes.

Ani Tamares, walang sakay na pasahero ang dyip at karamihan ng mga namatay ay pedestrians at joggers.

Nabangga rin ng truck ang isang poste ng kor­yente sa gilid ng kalsada na ikinatumba nito.

Dinala sina Bandril, Caballes, at hindi pa kilalang pahinante sa Carlos Medical and Maternity Hospital sa bayan ng Cardona.

Patuloy na inaalam ng pulisya ang pagkaka­kilanlan ng driver ng trak na namatay din dahil sa banggaan.

Nitong nakaraang Huwebes, 12 Disyembre, isang jeepney patungong Barangay Laiban sa Tanay, Rizal ang nahulog sa bangin na ikinamatay ng walo katao habang ang 12 iba pa ay nanatili sa iba’t ibang ospital dahil sa mga pinsala sa katawan.

Ang mga biktima ay sinabing mga batang inhinyero na magsasa­gawa ng outreach activity sa Laiban.

(EDWIN MORENO)

Sa Mendez, Cavite
12 SASAKYAN
INARARO NG TRUCK
2 PATAY, 30 SUGATAN

DALAWA katao ang namatay habang 30 ang sugatan nang ararohin ng isang 16-wheeler truck ang 12 sasakyan nitong Martes ng umaga, 17 Disyembre, sa bayan ng Mendez, sa lalawigan ng Cavite.

Kinilala ng pulisya ang mga namatay na sina Rolando Ligsa at Roger Santos, sakay mula sa mga sasakyang nasoro ng trak.

Dinala ang 20 sa mga sugatan sa mga ospital upang mabigyan ng karampatang atensiyong medikal.

Ayon kay P/Cpl. Christian Espiritu, im­bestigador, naganap ang insidente dakong 7:00 am sa kahabaan ng Mendez-Indang Road sa Barangay Poblacion 2, sa naturang bayan.

Nabatid na nawalan ng kontrol sa minama­nehong delivery truck si Romeo Sevilla sa paba­bang bahagi ng kalsada hanggang maararo ang 12 sasakyan kabilang ang tricycle at kotse.

Nasa kustodiya ng mga awtoridad si Sevilla matapos mabigyan ng atensiyong medikal ha­bang patuloy na iniim­bestigahan ang insidente.

Kahit senior citizen
DRIVER NA UMARARO
SA 8 SASAKYAN
NA IKINAMATAY
NG APAT KATAO
UULANIN NG ASUNTO

SAMANTALA, hindi ligtas sa patong-patong na asunto si Fernando Salvador Roxas, isang senior citizen, nang bang­gain ang isang motorsiklo habang pababa sa Bocaue flyover na tinangka niyang takasan kaya naararo ang apat na motorsiklo at dalawang tricycle, isang L-300 van at isa pang SUV.

Apat katao ang bina­wian ng buhay habang lima ang sugatan sa ginawa ni Roxas sa McArthur Highway, Brgy. Biñang 1st, sa bayan ng Bocaue, nitong Lunes ng hapon, 16 Disyembre.

Kinilala ni Bocaue police chief P/Lt. Col. Rizalino Andaya ang mga namatay na sina Ricardo Sumagang, 29 anyos; kanyang asawang si Maria Irene, 31 anyos; Joan Deso, 34 anyos; at Rener Reyes, 41 anyos.

Dead-on-the-spot ng naunang tatlo habang sa pagamutan binawian ng buhay si Reyes at may dalawa pang nasa kritikal na kondisyon.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng pu­lisya, pababa ng flyover ang SUV na minamaneho ng senior citizen na si Roxas, nang mabangga ang isang motorsiklo.

Pero nagtangkang takasan ng suspek ang nabundol at mabilis na nag-counterflow kaya naararo ang apat na motorsiklo at dalawang tricycle, isang L-300 van at isa pang SUV.

Nasa kustodiya ng pulisya si Roxas, may pinsala rin sa kaniyang braso at nahaharap sa kasong reckless impru­dence resulting in multiple homicide, phy­sical injuries at damage to properties.

(MICKA BAUTISTA)

 

About hataw tabloid

Check Also

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *