Saturday , November 23 2024
PRESIDENT DUTERTE SA INAGURASYON NG “THE TENT.” Panauhing pandangal si President Rodrigo Duterte sa inagurasyon ng The Tent sa Vista Global South, ang pinakabago at malaking tent venue sa timog bahagi ng Metro Manila para sa personal o corporate events na matatagpuan sa C5 Ext. Road, Las Piñas City. Kasabay ng okasyon ang birthday celebration ni dating Senate President at House Speaker Manny Villar. Pinupuri ng Pangulo ang dating SP, founding chairman din ng Villar Social Institute for Poverty Alleviation and Governance (Villar SIPAG) dahil sa kanyang sipag at tiyaga. Bukod sa dating SP, dumalo rin sa okasyon ang iba pang kasapi ng Villar Family — Sen. Cynthia Villar, Vista Land CEO Paolo Villar, DPWH Sec. Mark Villar at asawang si DOJ Usec. Emmilene Aglipay-Villar at kanilang anak na si Emma at Las Piñas Rep. Camille Villar. (NIÑO ACLAN)

Pinakabagong “The Tent” venue pinasinayaan

INILUNSAD nitong Huwe­bes ang inagurasyon ng pinakabagong tent venue sa C5 Extension Road sa Las Piñas City.

Panauhing pandangal si President Rodrigo Duterte sa inagurasyon ng The Tent sa Vista Global South.

Dumalo rin dito ang mga kasapi ng  Villar Family—dating  Senate President Manny Villar, Sen. Cynthia Villar, Vista Land CEO Paolo Villar, Public Works Sec. Mark Villar at Las Piñas Rep. Camille Villar.

Ang okasyon ay kasabay ng pagdiriwang ng kaarawan ni Manny Villar, dating Speaker of the House of Representatives at founding chairman ng Villar Social Institute for Poverty Alleviation and Governance (Villar SIPAG).

“We now have the biggest tent venue in the south of Metro Manila, which will be the new site of our yearly OFW and Family Summit and the most-awaited Parol Festival,” ayon kay Senator Villar, director ng Villar SIPAG.

Malayo sa traffic-congested areas sa Metro Manila, may kapasidad ang The Tent hanggang 5,000. Ito ang pinakabagong venue para sa personal o corporate events.

Fully air-conditioned ang 3,800 sqm espasyo  na may well-appointed guest lounge at back-of-house para sa event suppliers. Larawan ng makabagong elegance ang lobby design nito na nagbibigay ng “elevated tone at mood sa kahit anong okasyon.”

Ang The Tent ng Vista Global South ay may malawak na parking space at malapit sa kilalang landmarks gaya ng Vista Mall Global South, Mella Hotel, at Sanctuario de San Ezekiel Moreno.

Sampung minute ang layo ng The Tent ng Vista Global South sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) at accessible via NAIAX at Cavitex mula sa north maging sa Alabang Zapote Road at Bacoor Boulevard mula sa timog.

(NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

Krystall herbal products

Produktong Krystall katuwang ng pamilya ng delivery rider sa pag-aalaga ng kalusugan

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong, Ako po si …

DOST NSTW Cagayan de Oro City

DOST brings nat’l science, technology, and innovation week in Cagayan de Oro City

The Department of Science and Technology is set to hold the 2024 National Science, Technology, …

DOST-PCCI innovation hub to boost enterprises’ growth

In a landmark collaboration aimed at bolstering the nation’s innovation and economic growth, the Department …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *