Saturday , November 16 2024

Bobby Aguirre ng Banco Filipino, kasuhan — Solons

DAPAT makulong at managot kaugnay ng kasong kinakaharap ng Banco Filipino Savings and Mortgate Bank (Banco Filipino) si Albert “Bobby” Aguirre, ayon sa mga Solon na nagsumite ng House Resolutions.

Matatandang nag­sam­pa sa Department of Justice Task Force on Financial Fraud ng kasong kriminal ang Philippine Deposit Insurance Corp. (PDIC) laban kay Bobby Aguirre at ibang opisyal ng Banco Filipino dahil sa kadudadudang pag­babayad ng hindi baba­ba sa P700 milyon sa “legal firms” nang walang kontrata o sup­porting documents noong panahon na nalulugi ang nasabing banko.

“Malinaw na ilegal at maanomalya ang ginawa ni Aguirre at iba pa, sa usaping ito ng Banco Filipino. We are urging the proper committee of Congress to conduct an investigation in aid of legislation on the fraudulent disbursements committed by Banco Filipino specially Mr. Aguirre and its directors,” sambit ni Rep. Ron Salo ng Kabayan party-list na isa sa mga mambabatas na nagsumite ng House Resolutions No. 609 at No. 610.

“The unpaid loans extended to Banco Filipino is dubious and very suspicious. Kailangan mapatawan ng kauku­lang parusa at makulong ang sangkot dito. Hindi ito maaaring palam­pasin,” dagdag ni Rep. Jorge Bustos ng Patrol party-list.

Nasa 62 branches ang Banco Filipino nang ma-takeover ito ng PDIC at dito nadiskubre na nagbayad ang banko ng P255.9 milyon sa isa pang law firm partner ang isa sa mga director ng nasabing banko.

Dati rin nasampahan ng kasong syndicated estafa ng PDIC sina dating Banco Filipino vice chair Albert Aguirre, dating chair at president Teodoro Arcenas at 31 iba pa, dahil sa pag­gastos ng P669.6 mil­yong pera ng mga depositor para sa mga biyahe nila sa abroad.

Inaasahan ng iba pang mambabatas na mabibigyan katarungan ang depositors at iba pang naapektohang mama­mayan sa gina­wang gusot ni Aguirre.

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *