Thursday , December 18 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sa Davao del Sur… Batang babae patay, 18 pa sugatan sa 6.9 magnitude lindol

ISANG 6-anyos batang babae ang iniulat na namatay habang 18 iba pa ang sugatan nang yanigin ng magnitude 6.9 lindol ang lalawigan ng Davao del Sur dakong 2:11 pm kahapon, 15 Disyembre.

Kinilala ang batang binawian ng buhay na si Cherbelchen Imgador, natamaan ng nahulog na debris nang hindi agad makalabas ng kanilang bahay sa Barangay Asi­nan, bayan ng Matanao, sa naturang lalawigan.

Kinompirma ng Davao del Sur Public Information Office ang pagkamatay ng bata ilang oras matapos yanigin ng tectonic earthquake ang lalawigan na naitalang ang sentro ay 6 kilometro hilagang kanluran ng bayan ng Padada at may lalim na 30 kilometro.

Matatandaang niya­nig din ng serye ng mala­lakas na lindol ang lugar noong Oktubre.

Gumuho ang dala­wang gusali sa bayan ng Padada – ang tatlong-palapag na Southern Trade commercial building at isa pang dalawang-palapag na gusali.

Pinangangambahang ilang mamimili at mga empleyado ang naipit sa Southern Trade.

Ayon kay Padada Vice Mayor Francisco Guerrero, nailigtas ang apat katao mula sa gumuhong gusali ngunit may iba pang naipit sa loob nito.

Gumuho rin ang isang water reservoir na dating mas mataas pa sa pamihilihang bayan.

Malubhang napinsala ang apat-na-palapag at tatlong-palapag na mga gusali sa Matanao National High School .

Ayon kay Engineer Luke Cadoyas, Padada town disaster risk reduc­tion and management officer, nagawa nilang mailigtas ang apat katao mula sa isang tindahan sa palengke kabilang ang isang senior citizen.

Bagaman hindi napin­sala sa serye ng mga lindol noong Oktubre, nagkaroon ngayon ng mga bitak sa mga kal­sad­ang patungo sa pa­lengke ng bayan ng Padada.

Agad nagresponde ang mga residente upang mailigtas ang ilang mga tinderang naipit sa natumbang pader.

Pinakamalakas na lindol ang tumama sa lugar kahapon kaya pinagdesisyonan ng mga awtoridad ang suspen­siyon ng mga klase at mga trabaho ngayong Lunes, 16 Disyembre upang ma-assess ng mga structural engineers at key building officials ang kabuuang pinsala sa mga gusali at para matiyak ang kaligtasan ng publiko.

Sa lungsod ng Davao naramdam ang lindol sa lakas na intensity 5. Pansamantalang isinara ang Mahayahay Bridge sa kahabaan ng Matina Pangi at Carlos P. Garcia roads dahil sa mga bitak na natuklasan matapos ang lindol na naging sanhi ng mabigat na trapiko.

Suspendido rin ang klase ngayong araw, 16 Disyembre sa lahat ng antas sa pampubliko at pribadong mga paaralan sa mga lungsod ng Davao at Digos City, mga bayan ng Padada at Magsaysay sa lalawigan ng Davao del Sur, at sa lungsod ng Kidapawan sa lalawigan ng Cotabato.

Sa lungsod ng Davao, sinabi ng mga lokal na opisyal na magbibigay daan ang suspensiyon sa mga engineer na masuri ang integridad ng mga estruktura at mga gusali.

Sa bayan ng Mag­saysay, kung saan naramdaman ang lindol sa lakas na intensity 7, tuluyang bumigay ang mga pader ng munisipyo nito na nauna nang napinsala ng mga nagdaang lindol.

Ayon kay Anthony Allada, information officer ng Magsaysay, may 14 kataong nasuga­tan ang nilapatan ng lunas.

Dagdag ni Allada, nagdeklara ng suspen­siyon ng trabaho sa munisipyo maliban sa mga key personnel nga­yong araw, 16 Disyembre.

Inianunsiyo ng National Grid Cor­po­ration of the Philippines (NGCP) na nananatiling normal ang power transmission services. Ang mga naiulat na blackout sa Magsaysay, Davao del Sur at sa lungsod ng Kidapawan ay maaring dulot ng pag­yanig.

Tiniyak ng Phivolcs na walang banta ng tidal wave sa Mindanao ang pinakahuling lindol.

HATAW News Team

Bilin ng Palasyo
sa publiko
KUMALMA PERO
MAGING HANDA

NANAWAGAN ang Palasyo sa publiko na manatiling kalmado kasunod ang magnitude 6.9 lindol na yumanig sa Mindanao kahapon.

Sinabi ni Presidential spokesman Salvador Panelo, kailangan maging alerto ang publiko sa mga inaasahang aftershocks.

Hinikayat ng Office of the President ang publiko na iwasang magkalat ng mga hindi beripikadong impormasyon na maaaring magdulot ng alarma at panic sa mga apektadong komunidad.

Tiniyak ng Palasyo na nakatutok ang gobyerno sa pamamagitan ng National Disaster Risk Reduction and Manage­ment Council (NDRRMC) at Phivolcs para bantayan ang sitwasyon sa Davao del Sur.

Ipinag-utos na rin aniya sa lahat ng ahensiya ng gobyerno na magres­ponde at ibigay ang mga pangangailangan sa mga apektadong lugar.

Kinompirma ni Panelo na nasa kanyang bahay sa Davao City si Pangulong Rodrigo Duterte nang lumindol.

Kasama aniya ng pangulo sa bahay ang anak na si Kitty habang ang partner na si Honeylet Avanceña ay nasa daan pauwi nang yumanig ang lindol.

Tiniyak ni Panelo na maayos ang kondisyon at walang nasaktan sa pamilya Duterte.

Kaugnay nito, sinabi ni Brig. Gen. Jose Eriel Niembra, commander ng Presidential Security Group (PSG), na walang naitalang sira sa bahay ng Pangulo.

Gayonman, sinusuri pa rin aniya ang struc­tural integrity nito.

(ROSE NOVENARIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Aspin Kobe Putol Dila

Naputol na dila ng aso resolbado na
‘Dog eat dog’ literal na naganap sa kaso ng Aspin na si Kobe

HINDI TAO kundi kapwa aso ang suspek sa pagkaputol ng dila ng Asong Pinoy (AsPin) …

Goitia PCG PH Army

Goitia: Ang Pag-atake sa Escoda Shoal ay Maaaring Ituring na Deklarasyon ng Digmaan

Sinasadyang Karahasan sa Kabuhayan ng Pilipino Ang pagkasugat ng tatlong mangingisdang Pilipino at pagkasira ng …

Brian Poe FPJ Grace Poe

Iba’t Ibang sektor nagkaisa sa paggunita kay FPJ
Suporta para sa legasiya ni FPJ at Grace Poe ipinahayag sa Ika-21 anibersaryo ng pagpanaw

LIBO-LIBONG mamamayan mula sa iba’t ibang sektor ang nagsama-sama upang gunitain ang ika-21 anibersaryo ng …

DOST Region 02 Upskills ST Pen Videography to Boost Scicomm

DOST Region 02 Upskills S&T Pen Videography to Boost Scicomm

The Department of Science and Technology (DOST) Region 02 strengthened its science communication initiatives as …

PTFOMS Recto

Recto: Human security must be central to national security

Executive Secretary Ralph G. Recto has underscored that human security must be central to the …