HINDI ligtas sa Jones Bridge ang Traslacion ng Black Nazarene, sa malalapit na kapistahan nito sa 9 Enero 2020.
Ayon kay MPD Director P/BGen. Bernabe Balba, puspusan ang paghahanda ng pulisya, at mga kinatawan ng Minor Basilica of the Back Nazarene sa Quaipo upang mapaghandaan nang mabuti ang isasagawang Traslacion.
Nabatid, iibahin ang ruta ng prusisyon at maaari itong paraanin sa Ayala Bridge imbes sa Jones Bridge na dati nitong ruta.
Ayon kay Balba, hindi na aniya ligtas para sa milyon-milyong deboto ang tulay ng Jones Bridge dahil hindi na nagbigay ng clearance ang Department of Public Works amd Highways (DPWH).
Gayonman, tuloy pa rin ang tradisyon na pahalik isang araw bago ang Traslacion sa Quirino Grandstand.
Kamakailan, isinagawa ang inagurasyon ng Jones Bridge matapos ibalik ang La Madre Filipina na nasira noong panahon ng World War II.