Wednesday , January 14 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Beautederm store ng mag-inang Sylvia Sanchez at Ria Atayde nasa Quezon City na (Successful sa showbiz at negosyo)

ISA sa malaking factor ng success ng career ni Sylvia Sanchez sa showbiz at negosyo ay marunong siyang makisama sa lahat. At hindi lang sa kanyang mga katrabaho marunong mag­paha­laga si Sylvia kundi sa mga kaibigang entertainment press din.

Kaya tuwing may special event sa kanyang buhay ay imbitado ang mga ka-chikang reporter ng mahusay na actress, tulad ng opening ng 2nd branch ng Beautederm Store nila ng magandang daughter na si Ria Atayde. Dalawang batch ng press ‘yung invited at mega successful ang grand opening nito na dinaluhan ng mga bigating kaibigang artista ni Sylvia like Gabby Concepcion and Lorna Tolentino at siyempre present ang BFF ng actress na si President at CEO ng Beautederm na si Ma’am Rei Aninoche-Tan.

Wala kaming masabi sa bagong itinayong branch nina Sylvia at Ria. Very classy ito at attractive at lahat ng products ng Beautederm ay mabibili sa kanila sa Beautederm by Sylvia Sanchez sa Unit 29 No. 68 Don Roces Avenue, Obrero, Quezon City near Lydia’s Lechon.

Mayron din silang facial services like Diamond Peel na very affordable. At sa pagbisita n’yo sa lugar ay avail ninyo ang kanilang special promo. Bukas sila mula 10:00 am hanggang 8:00 pm at sa mga mag-oorder naman ng Beautederm products nationwide and worldwide, open sila for shipping.

For your appointments please text or call 09175088027. Kasabay ng pagbubukas ng bagong store, masaya na namahagi ng tulong si Sylvia Sanchez sa pamamagitan ng pagbibigay ng pangkabuhayan ang ilan sa kanyang fans. Ito umano ang kaniyang adbokasiya, ang pagbabalik ng tulong sa nangangailangan mula sa maraming biyaya na kaniyang natatanggap at ng kaniyang pamilya.

Nagbigay si Sylvia at ang beautederm CEO na si Ms. Rei Tan ng worth P30,000 na starting capital sa limang masuwerteng nanalo. Hinangaan din siya ng kaniyang mga tagasuporta dahil sa pagiging matulungin at mabababang loob ng aktres.

Nagpapasalamat naman ang aktres dahil sa patuloy na magagandang pangyayari sa kaniyang career maging ng kaniyang mga anak na sina Ria at Arjo Atayde. Nagpaplano na rin sila ng vacation break ngayong Disyembre upang salubungin ng kaniyang buong pamilya ang Bagong Taon.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Jaime Yllana Anjo Yllana

Anjo pinayuhan ng anak: at the end of the day he’s my Dad

MATABILni John Fontanilla NAIINTINDAHAN ng newbie actor na si Jaime Yllana ang kanyang ama na si Anjo Yllana sa …

Vice Ganda Nadine Lustre Christophe Bariou

Nadine Mr Right si Christophe

MATABILni John Fontanilla MAITUTURING ni Nadine Lustre na Prince Charming ang boyfriend na si  Christophe Bariou. Sa vlog …

Amor Lapus Boss Vic del Rosario Jojo Veloso

Amor Lapus, thankful kina Boss Vic del Rosario at Jojo Veloso sa pagbabalik-showbiz

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MAGANDA ang pagbabalik-showbiz ng sexy actress na si Amor Lapus …

Dennis Padilla Gene Padilla Claudia Barretto Basti Lorenzo Catalina Baldivia

Gene sa mga pamangkin kay Dennis: kung ayaw sa amin  okay lang

RATED Rni Rommel Gonzales SA unang pagkakataon ay nagsalita si Gene Padilla tungkol sa kontrobersiya nilang magkakapamilya. …

Dennis Trillo Jennylyn Mercado Marian Rivera Dingdong Dantes

DongYan, Dennis-Jen parehong nag-deny power couple na maghihiwalay 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus UKOL naman sa lumabas na blind item sa power couple na …