Saturday , November 16 2024
electricity meralco

PECO natuwa sa desisyon ng Iloilo RTC

SA NAKALIPAS na week­end, pinilit ng regional trial court (RTC) ng Iloilo na isuspendi ang expropriation proceedings na isinampa ng MORE Electric and Power Corporation (MORE) sa panukalang kunin ang mga pasilidad ng Panay Electric Company (PECO).

Ang suspension order ay dumating sa gitna ng kabiguan ng MORE na makakuha ng kanais nais na desisyon mula sa Supreme Court na temporary restraining order (TRO) na epektibong tinanggihan ang Razon-owned MORE’s prayer para sa pag-iisyu ng isang TRO o writ of preliminary injunction laban sa dati at nakaraang reso­lusyon ng Mandaluyong RTC na nagdedeklara ng MORE’s expropriation at takeover ng electric dis­tribution assets ng PECO nang unconstitutional.

Ibinasura rin ni Pre­siding Judge Daniel Antonio Gerardo Amular ang motion to inhibit mismo na isinampa ng MORE.

“As it jow stands, there is a pending petition for review on certiorari before the Second Division of the Honorable Supreme Court filed by the plaintiff MORE in connection with the decision of the RTC Mandaluyong declaring Sections 10 and 17 of Republic Act 11212 as void and unconstitutional,” naka­saad sa kautusan.

Ipinaliwanag dito, ang nasabing supervening event ang naglagay sa RTC Iloilo sa quandary kung itutuloy ang expopriation o hindi.

Matatandaan, ang RTC Iloilo, sa pamamagitan ni Presiding Judge Yvette Go, ay nauna nang naglabas ng writ of possession pabor sa MORE, ilang araw bago mag-isyu ang Mandaluyong Court ng kautusan.

Si Judge Go, kasama ang MORE, ay inatasan ng Supreme Court na magpre­sinta ng ebidensiya kung bakit hindi sila maka­suhan ng contempt sa pagpa­patuloy ng kaso.

Pinahinto ng kautusan ni Judge Amular ang nasabing writ of possession sa dahilang nagpasya ang Supreme Court sa isa pang kaso, “ang isyu ng konstitusyonalidad ay tulad ng isang prejudicial question sa expropriation dahil ito ay magiging pag-aaksaya ng oras at pagsisikap na magtalaga ng pagsusuri ng mga komisyoner at debate ang halaga ng merkado ng ari-ariang hinahangad na maparusahan kaya mali na ang parusahan ay labag sa batas.

“Sinabi ni Judge Amular, sinuspendi niya ang proceedings “in the interest of judicial fairness, respect to the Honorable Supreme Court, and for practical considerations.”

Naipit ang MORE at PECO legal battle matapos paboran sa RA 11212 ang franchise na mag-operate ang electric distribution utility sa Iloilo City ng Enrique Razon-owned MORE nitong pagpasok pa lamang ng 2019.

Ito ang dahilan ng expiration ng PECO’s franchise. Inireklamo ng PECO na ang wholesale turnover ng kanilang assets sa MORE sa pamamagitan ng expropriation ay unconstitutional.

Minana ni Judge Amular mula kay Judge Go ang kaso, “We are glad that the RTC of Iloilo has deferred to the Supreme Court, the highest court of the land. We cannot but agree with the Honorable Judge Amular that the issue of constitutionality of the expropriation has to be resolved first,” pahayag ni Marcelo Cacho ng PECO matapos matanggap ang kautusan.

Umapela rin ang PECO sa MORE na irespete ang desisyon ng SC.

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *