Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
INIHARAP ng mga tauhan ng Manila Police District Station 1 ang mga suspek na kinilalang sina Anowar Mocamad, Tato Amiril, at Fatima Garcia na nahulihan ng 850 gramo ng shabu, nagkakahalaga ng P5.7 milyon, at buy bust money na umabot sa P16,000 sa isinagawang buy bust operation sa parking area sa Simoun De Jesus St., Barangay 125, Balut, Tondo, Maynila (Brian Bilasano)

P5.7-M shabu nakuha sa 3 tulak sa Maynila

ARESTADO ang tatlong drug personalities kabi­lang ang isang babae sa buy bust operation kaha­pon ng madaling araw sa Tondo, Maynila.

Nasabat mula sa suspek na sina Anowar Mocamad, Tato Amiril, at Fatima Garcia, ang P5.7 milyong halaga ng shabu o katumbas ng 850 grams, buy bust money na P16,000 at tatlong cellphones.

Ayon kay MPD director P/BGen. Bernabe Balba, mula sa Mindanao ang mga suspek na kilalang mga kilabot na tulak ng ilegal na droga.

Responsable umano ang mga suspek sa pakikipagtransaksiyon ng droga sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila kabilang ang Maynila.

Matagal na rin uma­nong minaman­manan ang mga suspek hanggang ikasa ang buy bust operation na nagresulta ng pagkakadakip sa kanila sa isang parking area sa Simoun de Jesus St., Barangay 125, Balut, Tondo.

Mahaharap sa pagla­bag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang tatlo.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …