Wednesday , December 25 2024

Mayor Isko nabuwisit, Ylaya vendors binawalan (Desmayado at eksasperado sa basura)

TULUYANG ipinagbawal ni Mayor Francico “Isko Moreno” Domagoso ang pagtitinda ng mga vendor na may sidewalk stalls sa Ylaya St., sa Divisoria dahil sa kawalan ng pag­papahalaga sa paglilinis ng kanilang mga basura.

Tahasang ipinadama ni Mayor Isko ang eksas­pe­rasyon at pagkades­maya sa kanyang naki­tang nagkalat na basura sa sorpresang inspeksiyon kahapon ng madaling araw.

Kahapon ng madaling araw, sorpresang nag-inspeskiyon si Mayor Isko ngunit higit siyang nagim­pal nang makita ang nag­ka­lat at nagtambakang basura sa kahabaan ng Ylaya.

Desmayadong kinom­pronta ng alkalde ang mga vendor at ang mga opisyal ng pulisya sa nasabing lugar, hanggang magdeklara na hindi na niya papayagang pagtin­dahan ang Ylaya Street.

“Hindi ba kayo nahi­hiya d’yan o talagang baboy din kayo sa bahay? Kailangan ko pa kayo sorpresahin? Pinagha­hanap­buhay ko na nga kayo e,” ani Moreno sa mga vendor.

Lalo pang nainis ang alkalde nang wala man lang kumikilos para linisin at hakutin ang kani-kani­lang basura.

“Wala, walang kusa,” palatak ni Mayor Isko sa kawalan ng aksiyon ng mga vendor. “Kung gan­yan lang din naman ang iiwan sa ‘tin araw-araw, tigil na silang lahat.”

Sa kanyang talumpati sa Manila City Hall flag-raising ceremony pag­katapos ng kanyang ins­peksiyon, mariing pinag­sabihan ni Mayor Isko ang mga vendor kung bakit pinapayagan nilang magtambak ang basura sa lugar nila.

“Binababoy nila e. Hindi ko maintindihan, sa totoo lang. Binigyan mo ng hanapbuhay, nilingon mo. Inalis mo ang mga nang-aabuso sa kanila. Wala pa rin,” ani Isko sa mga empleyado ng Manila City Hall.

Sa ilalim ng City Ordinance No. 8572, ang kapabayaan sa pagma­man­tina ng kalinisan at kaayusan ay paglabag sa Section 4 ng nasabing ordinansa, na nagbabawal sa mga mamamayan na mag-iwan o magkalat ng basura at iba pang kalat sa gutter, sidewalks, kalye, alleyway, at mga kalsada.”

HATAW News Team

About hataw tabloid

Check Also

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *