Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Isko nasa S. Korea para sa climate at air quality

LUMIPAD kahapon ng umaga, Linggo patu­ngong Seoul, South Korea upang dumalo sa dala­wang araw na conference kaugnay sa climate and air quality si Manila Mayor  Francisco “Isko Moreno” Domagoso.

Ang pagdalo ng alkalde, kasunod ng imbitasyon ni dating United Nations (UN) Secretary General Ban Ki-moon.

Magsasalita ngayong umaga ang alkalde sa International Forum on Air and Climate Change ng National Council on Climate and Air Quality na nakabase sa Seoul.

Naimbitahan din siyang magsalita sa luncheon meeting na pangungunahan ng dating UN Secretary General kasama ang ilang international leaders.

Kasama sa invited speakers sa dalawang event ang dating Prime Minister of South Korea, China’s Minister of Environment, at Mongolia’s Minister of Environment and Tourism.

Dumating ang alkal­de sa Incheon Inter­national Airport via PR 466 dakong 5:30 am, kasama ang kanyang chief of staff na si Cesar Chavez.

Ayon kay Chavez, babalik sila ng alkalde sa bansa sa araw ng Martes.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …