HINDI bababa sa 22 katao ang namatay sa serye ng malalakas na lindol na yumanig sa lalawigan ng Cotabato at iba pang bahagi ng Mindanao mula noong huling bahagi ng Oktubre, ayon sa National Disaster Risk Reduction Management Council.
Ayon sa ulat ng NDRRMC, 16 katao ang namatay sa lalawigan ng Cotabato, kung saan naitala ang epicenter ng magnitude 6.6 lindol noong 29 Oktubre at magnitude 6.5 lindol noong 31 Oktubre.
Naitala rin sa mga casualty ang tatlo katao sa lalawigan ng Davao del Sur, dalawa sa South Cotabato, at isa sa Sultan Kudarat.
Samantala, naiulat sa NDRRMC ang bilang ng mga nasaktan at sugatan mula sa mga sumusunod na lugar:
Northern Mindanao, Lanao del Norte, 8, Bukidnon, 6,
Davao Region, Davao del Sur, 11, Davao City, 4, Davao del Norte, 1, Soccsksargen, Cotabato, 257, South Cotabato, 40, Saranggani, 3, Sultan Kudarat, 1.
BARMM Maguindanao, 1.
Samantala, dalawa katao ang hindi pa natatagpuan sa lalawigan ng Davao del Sur.
May kabuuang 28,224 infrastructures ang napinsala sa mga lugar ng Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, Davao Region, Soccsksargen, at BARMM.
Malubhang napinsala ang may kabuuang 20,921 kabahayan at dalawang paaralan; samantala bahagyang napinsala ang 6,429 kabahayan, 755 paaralan, at 36 health facilities.
Dagdag ng NDRRMC, nakapagbigay na ng kabuuang P16.83 bilyon tulong ang Department of Social Welfare and Development at Office of Civil Defense sa mga apektadong lugar.
Sa loob ng dalawang linggo, niyanig ang Cotabato at ilang bahagi ng Mindanao ng tatlong malalakas na lindol na nagsimula noong 16 Oktubre, may lakas na magnitude 6.3 tremor na naitala sa Tulunan, Cotabato, ang epicenter.