Sunday , December 22 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Provincial Media Security official itinumba sa Tacurong City

ISANG dagok na naman sa hanay ng media people ang humambalos nang pagbabarilin nang limang beses si Benjie Caballero, station manager ng Radyo Juan, provincial stringer ng Remate, at presidente ng Provincial Task Force on Media Security, kahapon ng tanghali sa Tacurong City.

Hindi pa nga nakahuhuma ang Metro press people nang paslangin si Jupiter Gonzales, kolumnista ng Remate, sa harap ng isang peryahan sa Arayat, Pampanga, heto at isa na namang karumal-dumal na pagpaslang sa isang mamamahayag ang naganap.

Alalahanin na sa darating na 23 Nobyembre ay gugunitain ang ika-10 taon ng Maguindanao massacre na 52 katao ang pinaslang kabilang ang 34 mamamahayag.

Isang dekada na nating hinihintay ang katarungan na hanggang ngayon ay sing-ilap ng bulalakaw sa kalangitan.

Pero habang hinihintay natin ang  katarungan para sa mga pamilya ng mga pinaslang na mamamahayag, ay unti-unti rin nalalagas ang mga nagsusulong nito.

Kabalintunaan na si Benjie ay presidente ng media security task force sa Mindanao ngunit hindi niya nabantayan ang kanyang sarili.

Bagamat sinabing nag-ulat siya sa pulisya na nakatatanggap ng death threats, hindi nagkaroon ng pisikal na seguridad para sa kanya.

Sabi nga, laging naisasalang  sa kontrobersiya ang mga napapaslang na mamamahayag lalo’t ang lugar kung saan naganap ang krimen ay nakakompromiso.

Ang 52 biktima ng Maguindanao massacre ay tila naging escort ng asawa ng isang kandidato upang maghain ng kanyang certificate of candidacy (COC).

Si Gonzales ay napaslang sa harap ng peryahan, at ang pinakabagong biktima, si Caballero, ay nahaharap naman sa banta ng kamatayan, ngunit lumalakad mag-isa at walang kasama.

Pero ang “element of surprise” ay hindi napaghahandaan. Ang puwede lang gawin ay mag-ingat.

Umaasa tayo na ang kaso ni Jupiter at ni Benjie ay hindi mapupunta sa wala lalo’t sila ay malapit kay Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS) executive director Joel Egco.

Rest in peace Benjie.

 

MAGING HANDA
SA PAGBIYAHE
AT PAGGUNITA
NG UNDAS

Ngayong araw ay tiyak na marami na ang bibiyahe pauwi sa probinsiya para gunitain ang mga mahal sa buhay sa pamamagitan ng pagbibi­gay pugay sa kanilang mga mahal sa buhay.

Paalala lang po, huwag na mag-post sa social media na wala kayo sa bahay ninyo. Patayin ang lahat ng koryente at tubig. Tiyaking maayos ang kandado ng bawat lagusan.

Magbaon ng tubig at pagkain sa biyahe. At tiyaking maayos ang buddy system lalo sa may mga kasamang bata.

Higit sa lahat, mag-alay ng dasal para sa mga yumao.

Ingats po!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *