Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Jwahar Aldswari dapat isalang ng NBI-IACAT sa imbestigasyon

ISANG overstaying na si Jwahar Mohammed Aldswari ang naging kasabwat nitong si Admin Officer Jayson Cutaran sa kanyang human trafficking activities.

Siya umano ang naging kontak at kasabwat sa pagpapaalis ng mga turistang Pinoy/Pinay patungong Saudi Arabia dahil sa mga kontak niyang employer.

Umabot umano sa mahigit 100 katao ang napaalis ng dalawa, patunay na kasama sa human trafficking activities sa NAIA ang nasabing empleyado ng Bureau of Immigration!

Si Cutaran rin umano ang nangangalaga sa status nitong Araba kapag nag-o-overstay na sa bansa.

Sinasabing siya rin ang nagtatatak sa pasaporte ng kanyang kasabwat na papasok o palabas sa NAIA kahit hindi bumabiyahe!

Wattafak!?

Sinubukan nating hanapin ang social media account nitong “human trafficker” at napag-alaman natin na nagkukubli sa alyas na ‘Jun Wei Lee’ upang mapagtakpan ang kanyang totoong identity!

Talagang sanay pala sa ilegal na aktibidad ang kolokoy!

BTW, isang post sa social media ang inilabas nitong si Tutaran ‘este Cutaran at kumuku­westiyon sa kredibilidad ng mga “diyarista!”

Excuse me, iha ‘este iho, ayy ano ba talaga siya?!

‘Pag may usok siguradong may apoy!

At masakit talaga ‘pag kumalat na ang apoy. Siguradong sunog ka!

Hak! Hak! Hak!

Ang ipinagtataka lang natin bakit sa kabila ng karakas ng empleyadong ito ay patuloy ang pamamayagpag niya sa BI-NAIA?!

Kahit pa nga Admin Officer na ang item nitong si Cutaran ay nakapagpa-function pa bilang Primary Officer sa Immigration NAIA?

‘Di ba dapat Admin functions na lang ‘yan!?

 E bakit hanggang ngayon ay pagala-gala sa NAIA Terminal 3 at doon umano patuloy na namamasahero?

Mas madali siya ngayong makapagpalusot dahil balik counter na?!

Wattafak!

POD Chief Grifton Medina at AOS head Elsie Lucero, paano titino ang naturang airport kung may isang ‘tulisan’ na nakagagalaw pa riyan?

May pakinabang ba kayo kay Cutaran at parang spoiled na spoiled siya sa inyo!?

Aware kaya si TCEU head Mayora Timmy sa human trafficking activities ng taong ‘yan?

O baka naman may kasabwat pang iba sa likod?

Paging NBI at IACAT, baka gusto po ninyong magkaroon ng magandang accomplishment?

Imbestigahan ninyo ang isang alyas Cutie na patuloy na nag-o-operate riyan sa BI-NAIA!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …

Dragon Lady Amor Virata

Si general social media at tv ang gusto, ayaw sa diyaryo, para sikat!

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SINO itong General na binara-bara ang mga diyarista at …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Tsismis vs katotohanan

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMI nang naganap na pagdinig sa Blue Ribbon Committee tungkol sa …

Sipat Mat Vicencio

Chiz, Jinggoy ‘patay na ang karera sa politika’

SIPATni Mat Vicencio DAHIL sa iba’t ibang kontrobersiyang kinakaharap nina Senator Chiz Escudero at Senator …