Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
dead gun police

Binata binistay sa loob ng bahay

TODAS ang isang 29-anyos lalaki nang pagbabarilin ng dalawang ‘di kilalang suspek sa loob ng bahay ng isa sa mga suspek sa Tondo, Maynila

Kinilala ang biktima na si Macklin Martinez, walang trabaho, residente sa Randy Sy compound sa Pacheco St., Tondo, Maynila dahil sa tama ng bala sa katawan.

Naaresto sa follow-up operation ang mga suspek na sina Leo Cabangis, binata, residente sa Velasquez St., Tondo; Renato Mendez, Jr., at isang kinilala sa alyas Enot.

Sa ulat ng Manila Police District (MPD), dakong 8:00 pm kamakalawa nang mnaganap ang insidente sa loob ng bahay ng suspek na si Cabangis  sa Velasquez St., Brgy 74, Tondo.

Ayon sa saksi na si Milagros Panganiban, bago naganap ang pagpatay ay nakitang bisita ng suspek na si Cabangis ang biktima at ilang minuto ay pumasok ang dalawa pang suspek.

Ilang sandali pa ang nakalipas, nakarinig ng sunod-sunod na putok ng baril hanggang nakitang papatakas ang mga suspek.

Inaalam ang motibo sa pagpatay.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …