IPINAKALAT ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang halos 4,000 pulis na magbabantay sa mga terminal at sementeryo sa Metro Manila.
“Sa araw na ito maglalagay kami ng police assistance desks sa lahat ng terminal, lalo sa malalaking terminal natin sa Cubao at malalaking sementeryo,” pahayag ni NCRPO chief P/BGen. Debold Sinas.
“Bukas magde-declare na kami ng full alert,” aniya.
Ani Sinas, nakikipag-ugnayan ang mga pulis sa stakeholders maging sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).
“Ang MMDA nag-Undaspot breath analyzer kasi ‘yung driver natin kailangan hindi nakainom o hindi lasing kasi sila po ang nagmamaneho. Kung nakainom ka, hihina ang reflexes mo,” paliwanag ni Sinas.
“Kapag hindi ka pumasa sa breath analyzer muna, hindi ka na magda-drive pero ang gawa ng management niyan, papalitan ‘yan para ang biyahe tuloy pa rin at hindi maantala ang mga pasahero,” ani Sinas.
Sinabi ni Sinas, ang lahat ng mga driver na magpopositibo ay mahaharap sa suspensiyon habang nakabinbin ang confirmatory test.