Saturday , November 23 2024

Isko dance nag-viral

TRENDING ngayon ang dancing video ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domogoso sa social media na umabot sa mahigit one million and counting nitong nakaraang weekend.

Ang video na pinost ni Itchie Cabayan, reporter at columnist ng Peoples Tonight ay mayroon nang 61,800 shares kahapon, 12:00 pm at patuloy pang nadaragdagan ang mahigit na 1M views nito.

Mismong si Cabayan, matagal nang kaibigan ni Moreno at presidente ng Manila City Hall Reporters’ Association (MACHRA) ang kumuha ng video matapos kantiyawan ang alkalde na magpakita ng sample ng kanyang dance moves kasama ang ilang dancing staff sa Ospital ng Maynila sa 90s hit na Dying inside to hold you na pinasikat ni Timmy Thomas.

Ang nasabing dance hit ay madalas na isinasayaw ng grupong kinabibilangan ni Moreno na Magnificent 7 sa That’s Entertainment sa GMA-7 kung saan siya nagsimula bilang artista.

Noong una ay umaayaw si Moreno sa kantiyaw ng mga tao. Dito na lumapit si Cabayan at habang naka-set na ang video ay inudyukan si Moreno na nagsabing: “Salbahe ka,”  pero nagpaunlak din at ipinamalas ang kanyang signature dance moves na ikinatuwa ng marami.

Ang pagpapakitang gilas ni Moreno ng kanyang talent sa pagsasayaw ay naganap kaugnay ng isang programa sa pagbubukas ng bloodbank, hemodialysis unit at TB-DOTS center sa Ospital ng Maynila kasabay ng kanyang kaarawan nitong Huwebes, 24 Oktubre.

 

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

Krystall herbal products

Produktong Krystall katuwang ng pamilya ng delivery rider sa pag-aalaga ng kalusugan

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong, Ako po si …

DOST NSTW Cagayan de Oro City

DOST brings nat’l science, technology, and innovation week in Cagayan de Oro City

The Department of Science and Technology is set to hold the 2024 National Science, Technology, …

DOST-PCCI innovation hub to boost enterprises’ growth

In a landmark collaboration aimed at bolstering the nation’s innovation and economic growth, the Department …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *