Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Rayver, nag- propose na nga ba kay Janine?

NAGBAKASYON sa Paris kamakailan sina Rayver Cruz at Janine Gutierrez kaya may kumalat na balitang nag-propose na ang aktor sa aktres.

Kaagad namang itinanggi ito ng taong malapit kay Rayver dahil malayong mangyari kasi naman pareho pang career ang prioridad ng dalawa.

Bukod dito, hindi pa financially stable si Rayver dahil alam naman ng lahat na siya ang breadwinner ng pamilya at dumaan siya sa malaking gastusan nang ma-ospital hanggang sa nawala ang kanyang mommy.

Sa madaling sabi, ngayon palang nagsisimulang mag-ipon ang aktor.

Puwedeng stable na si Janine dahil nagso-solo na siya pero mukhang hindi pa rin nito iniisip ang pag-aasawa dahil marami pa siyang gustong marating in terms of her career.

At higit sa lahat, strike when the iron is hot ang drama ni Rayver dahil pagkatapos pala ng seryeng Hanggang sa Dulo ng Buhay Ko ay may kasunod kaagad siyang teleserye sa 2020, bukod pa sa hosting job niya sa The Clash.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …