Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Agriculture employees nagpasaklolo kay Digong… Trabaho, karapatan inagaw

NANAWAGAN ng katarungan ang 10 kawani na nakatalaga sa farm-to-market road program ng Department of Agriculture matapos ibasura at agawin ang kanilang karapatan sa trabaho ni Undersecretary Waldo Reyes Carpio.

Batay sa liham ng mga kawani kay Pangu­long Rodrigo Duterte, humihingi ng kaukulang aksiyon ang 10 con­tractual employees na sina Marissa Aguilar (Senior Administrative Assistant I); Leslie Albano (Project Assistant III); April Joy Ayson (Administrative Assistant VI); Mark Paul Baldeo (Engineer II); Norman Boloron (Admi­nis­trative Assistant V); Alberto Cachero (Project Assistant III); Robin Christopher Cueva (Project Assistant IV); Jerry Gregorio (Adminis­trative Assistant VI); William Inguito Jr. (Project Assistant IV); at Rea Queen Migalbin (Project Assistant IV) dahil sila ay pinatawan ng arbitrary dismissal ni Carpio.

Anila, sila ay may kaukulang contract of services na may bisa hanggang Disyembre 2019.

Binigla umano sila ng opisina ni Carpio at sina­bihan na terminated na ang kanilang kontrata at ito ay epektibo kaaagd-agad.

Binigyang-diin din ng mga kawani na hindi dumaan sa tamang pro­seso ang terminasyon at maging ang kanilang suweldo ay nakabinbin at hindi umano inaprobahan ni Carpio na ma i-release sa kanila.

Bukod dito, ilegal din silang pinalitan ng ibang kontratuwal na kinuha umano ni Carpio mula sa ibang seksiyon ng kaga­waran.

Naniniwala ang grupo na si Carpio ay may mala­lang pag-abuso sa ka­pang­yarihan at lumabag sa probisyon ng labor code sa pagtanggal at pagpapalit sa kanila ng mga taong mas pina­paboran niya.

Isa sa argumento ng complainants ang mada­las na pagkawala ni Car­pio sa opisina at ipinag­bibilin sa isang OIC ang mga trabaho na dapat ay kanyang ginagampanan.

Nananawagan ang mga apektadong kon­trak­tuwal kay Pangulong Duterte na paimbes­tiga­han sa lalong madaling panahon ang kanilang kaso at ang iba pang iregu­laridad sa kaga­waran.

Isinusulat ang bali­tang ito’y hinihintay ang pahayag ni Carpio, ngunit tahimik pa sa reklamo laban sa kanya.

 

HATAW News Team

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …