ANG MAMATAY ay magastos, dahil ang serbisyo ng punerarya ay mahal at hindi kayang bayaran ng mga naulilang pamilya.
Ngunit dahil sa pag-aproba sa Ordinansa ng Libreng Palibing sa mga residente ng Quezon City, inihayag ni QC Mayor Joy Belmonte sa kanyang unang State of the City Address nitong nakalipas na Lunes, 7 Oktubre, makatitiyak na ngayon ang mahihirap na tao ng isang disenteng funeral services para sa kanilang yumaong mahal sa buhay.
Ito’y matapos aprobahan ang ordinansa na isinulong ni District 5 Councilor Allan Butch Francisco, na sinasagot ng estado ang libreng pagpapalibing sa mga indigents at residente ng lungsod.
Ang Ordinansa ni Francisco ay upang maserbisyohan ang mga residente ng lungsod sa pamamahala ni Mayor Joy upang itaas ang burial assistance mula sa P10,000 hanggang P 25,000.
Sinabi sa ordinansa ng konsehal, upang tugunan ang pangangailangan ng mahihirap na residente ng lungsod sa panahon ng pagkawala ng kanilang mahal sa buhay, sa kabila ng mahirap na buhay sa pakikibaka sa araw- araw na gastos dahil sa maliit na kita at maliit na ipon.
Sa kasalukuyan, ang kamatayan ay hindi inaasahan kadalasan ng mga miyembro ng pamilya na nauulila at walang paghahanda para sa punenarya.
Ang pagkamatay ng isang miyembro ng pamilya ay malinaw na isang trahedya sa mahihirap sa pagkawala ng kanilang breadwinner at ang kanilang economic status para masustenahan ang kanilang pangangailangan para balikatin ang gastos sa punenarya sa pagkawala ng kanilang mahal sa buhay.
Sinabi ni Francisco, ang libreng serbisyo sa libing ay kabilang ang embalsamo, kabaong, at libreng pagpapalibing sa city-owned cemetery ng QC.
Ang naturang programa ay ipapatupad ng Social Services at Development Department (SSDD) ng Quezon City.