Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
INIHARAP sa media ni Manila Police District (MPD) director P/BGen. Vicente Danao, Jr., ang apat na suspek sa pagpaslang kay Batuan, Masbate vice mayor Charlie Yuson III sa Sampaloc, Maynila nitong Miyerkoles, na sina Bradford Solis, Juanito de Luna, Junel Gomez, at Rigor Dela Cruz, na pawang tinalukbungan ng T-shirts ang kanilang mga mukha, sa MPD headquarters, kahapon. (BONG SON)

4 suspek sa Batuan vice mayor slay, iniharap ng MPD

INIHARAP na sa media ang apat na suspek sa pagpatay sa Batuan, Mas­bate vice mayor na niratrat sa Sampaloc, Maynila nitong Miyerko­les ng umaga.

Kinilala ni MPD P/BGen. Vicente Danao ang mga suspek na sina Bradford Solis, may-asawa, taga-Camiling; Juanito de Luna, 54; Juniel Gomez, 36; Rigor dela Cruz, 38; kapwa mga taga-Camiling, Tarlac; at Junel Gomez, 36, taga-Biñan Laguna.

Hindi nakapagpigil si Lalaine Yuson, kabiyak ng napatay na si Batuan vice mayor Charlie Yuson III at halos suntukin ang isa sa mga suspek na iniuug­nay bilang driver ni PCSO official Sandra Cam.

Tiniyak ni Danao, ang mga suspek na iniharap sa media ang mga naa­res­tong suspek na sakay ng van na may plakang ACM 8804, na nahulihan din ng mahahabang armas.

Ayon kay Danao, bukod sa illegal posses­sion of firearms, isasampa na rin ang kasong murder laban sa apat na suspek.

Isinailalim sa paraffin test sa MPD Crime Lab ang mga suspek.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …