MAY bagong segment ang Eat Bulaga na parte pa rin ng kanilang throwback segment noon na Bulaga Book of Pinoy Records. Hindi lang mga celebrity ang puwedeng sumali rito at tumanggap ng challenge kundi pati na ang ordinaryong dabarkads.
Puwede kayong manalo ng P10K hanggang P50K kapag hindi kumurap sa loob ng tatlong minuto. Ang risk ay may nagdilim ang paningin, may bagong record holder, at mayroong nagdasal para hindi kumurap!
Kinaya nina Dabarkads Ruby, Malaya, Yasser Marta, at Kyline Alcantara ang Bawal Kumurap Nakamamatay ng Swerte.
So puwedeng pumasa ka rin sa nasabing challenge para makapag-uwi ng datung!
VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma