Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Lacson, Drilon ‘obstruction’ sa reporma ni Digong

HADLANG sa mga repormang nais ipatupad ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ginagawang pagbatikos nang walang basehan nina Senate Minority Leader Franklin Drilon at Senator Panfilo Lacson sa ipinasang national budget para sa 2020 ng Kamara, ayon sa ilang lider ng Kongreso. 

Ayon kay Deputy Speaker Henry Oaminal, kinatawan ng 2nd dis­trict,  Misamis Occi­dental, may panahon naman para kilatisin ng Senado ang 2020 budget na ipinasa ng Kamara, kaya’t hindi dapat mag­sabi ng kung ano-anong pahayag sina Lacson at Drilon na hindi naman nila kayang patunayan.

“Hindi pa man naita-transmit sa kanila ang General Appropriations Bill (GAB) na naglala­laman ng panukalang national budget para sa 2020, panay na ang mga puna nina Senador Drilon at Lacson sa naipasang bill ng Kamara. Asan ang basehan nila sa mga sinasabi nilang kuwes­tiyonableng probisyon sa budget gayong hindi pa naman nakakarating ang dokumento sa kanila?” ani Oaminal mula sa Mindanao bloc ng Ko­ngre­so.

Ayon kay Oaminal, ang GAB na ipinasa ng Kamara ay tumutugon sa mga repormang gustong maipatupad ng Pangu­long Duterte kaya’t walang dapat ikabahala tungkol sa ‘pork,’ ‘parking ng pondo’ o ‘insertions’ sa budget.

Tinutukoy ni Oami­nal ang naging pahayag nina Drilon at Lacson kamakailan tungkol sa umano ay pagbabantay nila sa mga ‘maa­no­mal­yang’ pagbabago na gina­wa ng Kamara sa GAB para sa 2020 dahil sa pagkakaroon ng “small committee” para tang­gapin ang amendments sa panukalang ito.

Pinagtawanan naman ni Deputy Speaker Deo­gracias Victor Savellano ng 1st District, Ilocos Sur ang sinabi ni Drilon tungkol sa pagbabantay laban sa ‘pork’ na maa­aring isingit sa national budget.

Aniya, kung maalala noon, may nagsampa ng kaso laban kay Drilon sa Ombudsman dahil sa overpriced na Iloilo Convention Center kung saan ibinuhos ng senador ang P200 milyon mula sa kanyang  priority develop­­ment assistance fund (PDAF) o pork barrel noong 2013 para sa pagpapatayo nito.

“Ito ‘yung panahon na ang tawag pa sa pork barrel ni Drilon ay priority development assistance fund (PDAF) na idine­klarang unconstitutional ng Korte Supreme,” ayon kay Savellano. “Ang hiling ko lang kay Senator Drilon, sana ay mag­karoon naman tayo ng respeto sa isa’t isa at huwag kaming hatulan nang wala namang base­han dahil baka bumalik lang sa iyo ang mga batikos mo.”

Hiniling ni Savellano kay Lacson na huwag gamitin ang Kamara para magpapogi sa publiko at pabanguhin ang pangalan niya para sa darating na eleksiyon.

“Maghanap na lang siya ng isang valid issue na kakagatin ng publiko. Huwag niyang idamay ang  institusyon ng Kama­ra para sa pag­papapogi niya. Magtra­baho na lang tayong lahat nang sa gayon ay maka­tulong ang Kongreso na maisakatuparan ang mga programang reporma ng ating Pangulo,” dagdag ni Savellano.

Ayon kay Deputy Speaker Pablo John Garcia ng 3rd district, Cebu, walang bago sa pagbu­buo ng isang small com­mittee para talakayin ang amendments sa national budget, tulad ng naipa­liwanag ni Albay Rep. Joey Salceda na isang beteranong mambabatas at senior vice chairperson ng House appropriations committee, ito ang naging tradisyon noon pa mang ika-8 Kongreso.

Hindi ito basta binuo lamang kundi napag­desisyonan sa plenaryo ang pagbuo ng small committee para maging maayos ang proseso lalo na’t may 300 kongresista ang dapat dinggin para maging pinal ang amend­ments, ayon kay Garcia.

“Ang hiling sana namin sa aming mga kapwa mambabatas, huwag kalimutan ang inter-parliamentary courtesy. Hayaan ninyo muna kaming mag­trabaho sa Kamara at hintayin ang final version na itatransmit sa Senado bago kayo manira at bumatikos,” ani Garcia.

Nanawagan si Garcia na maging “constructive” sana ang pagpuna ng Senado sa trabaho ng Kongreso, at hindi ‘yung mga batikos na ang layu­nin ay siraan ang imahen nito.

“Walang itinatago, walang idinadagdag o ibinabawas sa national budget. Ang tanging bilin sa amin ni Speaker Alan (Peter Cayetano) ay siguraduhing ang budget ay epektibong makatu­tugon sa mga repormang ipinapatupad ng ating Pangulong Digong,” ani Garcia.

HATAW News Team

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …