Friday , April 18 2025
hazing dead

Anak ng DOH official… 22-anyos UP student leader nagbigti matapos magbitiw sa council dahil sa hazing

HINDI naisalba ng ina ang buhay ng 22-anyos student leader ng University of the Philippines College of Mass Communication (CMC) nang matagpuang nakabigti sa karate belt na isinabit sa cabinet sa loob ng kanilang bahay sa Marikina City nitong Sabado ng hapon.

Kinilala ang biktimang si Ignacio Enrique “Nacho” Domingo, anak ni Depart­ment of Health Under­secretary Rolando Enrique “Eric” Domingo, wala nang buhay nang matagpuan sa loob ng kanyang kuwarto sa Loyola Grand Villas Subd., sa Barangay Malanday sa nabanggit na lungsod.

Base sa ulat ng Marikina City police, dakong 2:00 pm nang madiskubre ng inang si Dr. Giselle Gervacio, 51, ang kanyang anak na nakabigti sa loob ng kuwarto.

Nakakandado ang pinto ng kuwarto ng biktima kaya pinuwersang buksan ng ina saka mabilis na ginunting ang karate belt na ginamit sa pagbibigti.

Sinikap ng ina na isalba ang buhay ng anak sa pama­magitan ng cardio-pulmonary resuscitation (CPR) bago tumawag sa Marikina Rescue 161.

Agad dumating ang mga tauhan ng Rescue 161 ng Marikina City na sina Mavi Esguerra at Edgar Abrogar na agad sinuri ang vital signs ng biktima ngunit wala nang buhay ang anak ng DOH undersecretary.

Lumagda sa waiver ang mga magulang ng biktima na hindi na paiimbestigahan sa Scene of the Crime Ope­ratives (SOCO) ang insidente.

Dalawang araw bago magpakamaty, si Domingo ay isinangkot ng UP CMC sa insidente ng hazing.

Ipinahayag ng UP CMC sa social media post na, “Nacho Domingo, the incum­bent CMCSC Vice-Chair­person, is allegedly involved in enabling and perpetrating a series of hazing acts under the UP Sigma Rho Fraternity as was shown in the screenshots of online conversations between their members that are currently circulating in social media. We are deeply disconcerted by his parti­cipation in such macho-feudal practices and are firm in our stand that we do not —and will never — welcome this kind of behavior in our organization.”

Kasama sa ipinaskil ang screenshots ng retrato ng brasong puno ng pasa dahil umano sa palo ng paddle.

Kinabukasan, 27 Setyembre, kinompirma ng UP CMC na tinanggap nila ang pagbibitiw ni Domingo bilang College of Mass Com­munication Student Council Vice Chairperson matapos masangkot sa Sigma Rho fraternity issue.

Sa kanyang resignation letter, sinabi ni Domingo na nagbibitiw siya  — “as a matter of propriety” — dahil sa kontroberisiyal na hazing.

Samantala kinompirma ni UP Diliman Chancellor Michael Tan kahapon sa kan­yang pahayag na, “member of the UP Sigma Rho Fraternity died” ngunit hindi ibinunyag ang pangalan at hindi binanggit ang dahilan ng kamatayan.

Umapela rin ang Chan­cellor na tigilan ang pagpa­paskil sa social media kaugnay ng nasabing isyu.

“Let us do this out of sense of decency and respect for the privacy of the family,” pakiusap ni Tan.

(EDWIN MORENO)

About Ed Moreno

Check Also

Sarah Discaya

Walang Katotohanan sa Umano’y Pang-aabuso sa PWD sa Pasig

ISANG residente ng Lungsod ng Pasig na lumahok sa pamamahagi ng bigas—kung saan na-interview ang …

Imelda Aguilar Dalia Varde Khattab

Pambato ng Las Piñas sa 2025 Binibining Pilipinas bumisita kay Mayor Aguilar

MALUGOD na tinanggap ni Mayor Imelda “Mel” Aguilar sa kanyang tanggapan ang 21-anyos Filipino-Egyptian actress …

SV Sam Verzosa Wilson Lee Flores

Sam Verzosa handang makipagharap kay Isko Moreno sa isang matalinong debate

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HANDANG-HANDA si Manila Mayoralty candidate Sam Verzosa, sakaling anyayahan siya para sa …

Ortigas Malls

Ortigas Malls engrandeng pagsalubong sa Easter Sunday magaganap

NAGLABAS ng Holy Week mall hours ang Ortigas Malls para sa mallgoers, bilang paggunita sa …

FPJ Panday Bayanihan Partylist, 500,000 Signatures tinanggap mula sa Volunteer Movement

FPJ Panday Bayanihan Partylist, 500,000 Signatures tinanggap mula sa Volunteer Movement

NAKAMIT ng FPJ Panday Bayanihan Partylist ang matatag na suporta mula sa publiko sa pamamagitan …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *