Monday , December 23 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

BI-intel crackdown vs illegal POGOs pinagkakaperahan ng 2 notorious fixers

MAGKAKASUNOD na operasyon ang isinagawa ng Bureau of Immigration (BI) – Intelligence Division laban sa lumolobong bilang ng mga illegal offshore gaming hubs sa bansa.

‘Di pa man tapos ang isinasagawang imbestigasyon sa 277 Chinese nationals na hinuli sa isang POGO hub sa Parañaque ay nasundan agad ito ng 300 Genuine Intsik (G.I.) na nagpapatakbo ng illegal online gaming sa malayong isla naman ng Palawan.

Sa pangunguna ni BI Intelligence Officer Jude Hinolan, 5 hotels at iba pang establisiyemento ang nironda ng mga opera­tiba sa bisa ng Mission Order na pinir­mahan ni BI Commissioner Jaime Morente.

Dito nabisto na kulang sa mga kaukulang dokumento ang mga GI na naging dahilan para sila ay sakotehin.

Isang team ng BI Prosecutors ang agad ipinadala sa isla upang magsagawa ng pormal na imbestigasyon.

Kapag napatunayan na wala talaga sila mai­pakitang dokumento ay ihahain ang deportation proceedings laban sa kanila.

Palibhasa ay malayo ang Palawan, kaya rito naman unti-unting inililipat ang operasyon ng illegal online gaming upang makaiwas sa mainit na mga mata ng awtoridad sa Maynila.

Tanong lang, hindi kaya habang dumarami ang accomplishments ng BI Intel operatives laban sa mga ilegal na tsekwa ay nagiging bentaha at pinagkakaperahan ng notorious fixers na sina Betty Chuwawa at Anna Sey?

Huwag na kayo magtaka kung mag-expand din ang business ng dalawang notorious fixers, baka nga umabot pa mula Aparri hanggang Jolo!

Wow ha!

E si Boy Pisngi at Rico Peramambo kaya?

Ano pa e ‘di parehong bigtime sa dami ng GIs na pinalusot nila!

Tsekwa pa more!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *