Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Palengke, pantalan sa Maynila, bantay-sarado

INATASAN ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso na mas lalo pang paigtingin ang pagbabantay sa lahat ng pamilihan at pantalan ng nasabing lungsod sa gitna ng mga ulat na maraming lalawigan ang apektado ng African Swine Fever (ASF).

Sa ulat ng Veterinary Inspection Board (VIB) sa alkalde, tiniyak nila na wala pang kaso ng ASF sa lungsod dahil tuloy-tuloy ang kanilang operasyon laban sa mga nagbebenta ng “botcha” at “hot meat” sa mga pamilihan gayondin sa mga lugar na maari itong iimbak. “The Vete­rinary Inspection Board strengthened its monitoring task force, to check all possible point of entries and dis­tribution channels, including in mar-kets and ports, as well as all cold storage facilities in the City of Manila, especially Tondo and Binondo area,” paliwanag ni VIB Special Enforcement Squad Chief Dr. Nick Santos.

Gayonman, tiniyak ng Manila VIB na ang Maynila, ay may pinakamababang porsiyento na may namamatay na baboy dahil ang nasabing lungsod, walang mga bukid at mga hog-raiser.

Sa mga unang araw ni Domagoso bilang alkalde, nagsagawa na ng monitoring ang mga tauhan ng VIB sa mga pampublikong pamilihan sa Maynila at tuloy tuloy ang operasyon sa pangungumpiska ng mga botcha at hot meat. Nito lamang nagdaang araw ay naglabas ng pahayag ang pamunuan ng Department of Agriculture (DA) hinggil sa “outbreak” ng ASF sa ilang lugar sa Bulacan at Rizal.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …