NAITALA ang pinakamataas na numero sa pagdalo ng mambabatas nang magbukas ang 18th Congress nitong 22 Hulyo 2019, hanggang 10 Setyembre, na umabot sa 247 kongresista ang pumasok para sa kabuuang 18 session days.
Ang mataas na numero ng dumalo ay unang pagkakataon, historic at pruweba ng determinasyon at pagiging makabayan ng ating mga mambabatas sa pangunguna at paggabay ni Speaker Alan Peter Cayetano.
Ayon kay House Deputy Speaker Neptali Gonzales II, isang batikang mambabatas na nahalal na Majority Leader noong 16th Congress, hinahangaan niya ang mga kapwa niya kongresista sa House sa kanilang ipinapakitang dedikasyon sa tungkulin matapos lumabas ang mataas na attendance record.
“I have been a member of several Congresses, and I am truly elated by the record attendance of House Members of the 18th Congress led by Speaker Cayetano. The high attendance of our colleagues reflects their discipline, hard work, deep passion and great interest to serve the people and enact priority laws that will give them a safe and comfortable life,” wika ni Gonzales.
Saad ni Gonzales, sa kabila na maraming holidays nitong nakaraang buwan, minabuti ng mga halal na mambabatas na dumalo sa Kamara at magtrabaho imbes magbakasyon nang mahabang araw na walang pasok.
Patunay nito ang House record na may pinakamataas na attendance na umabot sa 266 attendees sa roll call na ginanap noong 13 Agosto, ang araw na ginugunita ng bayan ang Eid al-Adha holiday, at ang 259 attendees noong 27 Agosto, ang araw matapos ang selebrasyon ng National Heroes Day.
Sa matibay na presensiya ng majority ng mga kongresista, nagawa ng House na talakayin nang mahusay ang budget briefings para sa General Appropriations Bill (GAB) para sa 2020, sa antas ng Committee on Appropriations.
Dahil dito ay nabigyang daan ang mga hearing na ginawa sa maikling panahon, na nagresulta sa pagpasa ng tatlongj pinakaaabangang priority measures sa pangatlo at huling pagbasa.
Nakatakda rin lagpasan ng House ang sariling deadline na kanilang itinakda para sa pagpasa ng GAB bago ang recess ng Kongreso sa 4 Oktubre.
Binigyang kredito ni Gonzales si Speaker Cayetano sa malakas at maayos na pamamahala na naitakda ang mga schedule ng House of Representatives at naging mabilis ang pagkakamit ng legislative agenda at mga prayoridad.
“Speaker Cayetano is a working Speaker, administratively and legislatively. He is very hands on. He makes sure that all committees, especially the important and big ones, are handled by qualified House Members. He can’t be influenced by a recommendation simply because of party entitlement,” wika ni Gonzales.