Monday , December 23 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

BI Cebu bukas sa pamamasahero! (Gateway ng tourist-workers)

HINDI na raw malaman ng ilang tulisan sa airport kung saan nila padaraanin ang kanilang pasahero.

Wala raw kasing pumapayag ngayon sa mga batikang namamasahero sa takot na sila ay mahugutan ng pasahero ng mga bagong upong TCEU.

Buti pa nga raw noon at lumulusot ang “close open” sa arrival at departure pero ngayon ay totally closed ang tindahan?!

Kay saklap naman!

Sabi naman ng ilan, mabuti na rin daw para kung bumalik ang dating ‘glorya’ ay iba na ang presyo sa airports.

Kung dati raw ay ginagawang palengke ng “players” at “suppliers” ang pagpapalusot, sa nangyayari raw ay hindi malayo na bumalik ang taas ng presyo ng mga pasahero papuntang middle east!

Talagang may game-plan pa ha?!

Pero ano itong narinig natin na riyan daw sa CEBU ngayon ang paboritong destinasyon ng mga pasaherong OFWs kuno?!

Lalo na ang mga Pinay na papuntang China at Middle East?!

Since nawalan na sila ng pag-asa sa NAIA kaya naman Cebu na ang next destination ng “traffickers?!”

Sus ginoo!

Hindi man daw kasing sagana gaya dati sa NAIA kahit pa-jab-jab lang ay nakalulusot naman!

Well, huwag na tayong magtaka kung diyan naman sa Cebu ang susunod na putukan!

 

Sa pamumuno ni Cayetano
KAMARA MULING NAG-APROBA
NG 2 PRAYORIDAD NA BATAS

MAYROONG nagawa ang 18th Congress ng House of Representatives sa ilalim ni Speaker Alan Peter Cayetano na hindi pa nagagawa ng mga nakaraang kongreso.

Isang buwan at ilang araw pa lamang ang nakalilipas matapos magbukas ang 18th Congress para simulan ang unang regular na sesyon noong Hulyo, ang House ay nakapagpasa na ng tatlong priority bills, sa kabila ng nagaganap na kaliwa’t kanang budget hearing.

Noong 20 Ag0sto, ang bill na nagpapataw ng karagdagang excise tax sa mga produktong alcohol, tobacco at vaping products ay naapro­bahan.

Ang House Bill No. 304 o ang Passive Income and Financial Intermediary Taxation Act (PIFITA) at HB 300 o ang Amendment of the Foreign Investments Act (FIA) ay parehong naipasa nitong 9 Setyembre, ilang buwan matapos ang unang naipasang priority bill. Ang PIFITA bill, na si House committee on ways and means chair Rep. Joey Salceda ang author, ay may layuning amyendahan ang National Internal Revenue Code of 1997 at katawanin ang Fourth Package ng Comprehensive Tax Reform Program ng Duterte administration.

Sa kabilang banda, ang FIA, na si Rep. Victor Yap ang author, ay may layuning payagan ang mga foreigner na i-practice ang kanilang propesyon sa Filipinas, at ito ang isa sa legis­lative priorities ng House.

Halos lahat ng kredito sa pagpasa nito ay dahil kay Cayetano, na noong simula ng kanyang pag-upo bilang Speaker ay binuo ang mga kongresista upang maipasa nang mabilis ang mga batas na kinakailangan ng bansa.

“Sana po ako’y maging worthy at sana po ay tulungan n’yo ako para sa loob ng 15 buwan ay mapagsilbihan po natin nang mabuti ang ating mga kababayan at lahat po ng nasa legislative agenda, ubusin na natin at ipasa na natin dahil mas magandang magawa na natin ito kaagad,” wika ni Cayetano.

Sa katunayan, si Cayetano na seasoned legislator at diplomat — matapos ma-appoint bilang Secretary of Foreign Affairs ni Presidente Rodrigo Duterte bago siya tumakbo bilang kongresista — ay instrumento sa maayos na sistema ng House.

Sa pananaw ng kanyang mga kasamahang mambabatas, si Cayetano ay may political ascendancy sa Kongreso na naniniwala sa kan­yang liderato, mayroon din siyang kakayahan na itugma ang mga nagbabanggaang pananaw ng mga mambabatas na importante para sa malusog na deliberasyon ng mga batas.

Siyento porsiyentong tumpak si Institute For Political and Electoral Reform Executive Director Ramon Casiple sa kanyang prediksiyon na si Cayetano ay “big boost” pagdating sa pagsusulong sa House ng mga agenda ng Pangulo.

Tingnan kung gaano na ang narating ng House hindi pa man nagtatagal nang dalawang buwan ang kanyang Speakership. Sa pangunguna ni Cayetano sa House, sigurado, mas marami pa ang maisusulong at maipapasang mga batas sa mga susunod na buwan.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *