NAGSAGAWA ng protesta ang libo-libong mga Koreana sa Seoul para ireklamo ang sinasabi nilang ‘spycam porn’ para hilingin ang mas mabigat na kaparusahan sa mga ‘Peeping Tom’ o mga naninilip o bosero.
Simula buwan ng Mayo, nagsagawa ng sunod-sunod na demonstrasyon sa kabisera ng South Korea ang iba’t ibang grupo ng kababaihan para batikusin ang umiiral na lantarang pamboboso ng kalalakihan.
Ang mga pagprotesta ay bunsod ng global #MeToo movement ng matindi at malawakang aktibismo mula sa mga grupo na sinasabing weaker sex.
Pangunahing dahilan sa mga demonstrasyon ang tinatawag na spycam video sa tech-savvy na bansa, na ang mga lalaking Koreano ay naaktohang pasikretong kumukuha ng video ng mga babae sa mga eskuwelahan, tanggapan, tren at iba pang pampublikong sasakyan, at maging sa mga toilet o palikuran.
Ayon sa mga organizer ng mga protesta, umabot sa mahigit 70,000 kalahok, higit 10,000 sa nakaraang buwan, ang dumalo sa rally sa kabila ng napakainit na panahon at heat wave na nagpatala sa mercury ng labis sa 37 degrees.
“Women’s toilets in this country are infested with spycams! Please please crack down on the crimes,” punto ng isa sa mga nagpoprotesta na nag-rally sa Gwanghwamun Plaza sa Seoul.
Nakita rin dito ang mga banner na may iba-ibang slogan, tulad ng: “We can’t live like this anymore” at “South Korea: the nation of spycams.”
Ipinagmamalaki ng pang-apat na pinakamalaking ekonomiya sa Asya ang kanilang bantog na tech prowess mula sa ultra-fast Internet sa cutting-edge na smartphone. Ngunit nagbunsod din ang mga kaunlarang ito ng hukbo ng mga tech-savvy pervert, na gumagamit ng modernong teknolohiya para i-share sa mga internet chatroom at on file-sharing site ang kanilang nakukuhang malalaswang video.
Sadyang tumaas ang bilang ng mga sinasabing spycam crime na napaulat sa pulisya mula sa mahigit 1,100 noong 2010 na labis pa sa 6,500 nitong nakaraang taon, na kabilang sa mga nagkakasala ay school teacher at college professor at gayondin ang mga church pastor at isang hukom ng korte.
Hinihiling ng mga nagpoprotestang kababaihan na patawan ng mas mabigat na kaparusahan ang sinasabinilang mga cybersex pervert. (TRACY CABRERA)