Wednesday , December 25 2024

Yasay ‘idinamay’ sa asunto ng Banco Filipino officials

INARESTO si dating Foreign Affairs secretary at dating Securities and Exchange Commission chairman, Perfecto Yasay Jr., ng mga pulis-Maynila alinsunod sa warrant of arrest na inilabas ng Manila Regional Trial Court (MRTRC).

Sa ulat ng MPD-PIO, 3:00 pm kahapon nang dakpin si Yasay sa kan­yang bahay sa Milano Residences, Century City Road, Barangay Pobla­cion, Makati City.

Kasalukuyang naka­kulong si Yasay sa Manila Police District (MPD) sa Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU).

Bago ang pag-aresto, lumutang sa tanggapan ng CIDU si Atty. John Irvin Velasquez, kinata­wan ng Bangko Sentral ng Pilipinas at humiling ng police assistance upang maisilbi ang wrrant laban sa 73-anyos na si Yasay.

Sa record ng kaso, si Yasay kasama ang li­mang iba pa, ay inaku­sahang nagsabwatan upang makapangutang ng P350,000,000 sa Banco Filipino para sa Tierrasud Incorporated na ginaga­rantiyahan ng real pro­perties na pag-aari ng Tropical Land Cor­poration.

Nang makuha ang salaping inutang hindi ini-report ng mga akusado ang naturang loan na naganap noong 2001 hanggang 2009.

Ayon kay Yasay, ang warrant of arrest laban sa kaniya ay kaugnay ng mga kasong kriminal laban sa mga opisyal ng nagsarang Banco Filipino dahil umano sa mga pagmamalabis bilang bank officials mula 2003-2006.

Ani Yasay, na hindi siya magpipiyansa, at mananatili siya sa kulu­ngan, hanggang hindi niya nakakaharap ang hukom ng Branch 10 ng Manila Regional Trial Court na naglabas ng warrant, upang kuwestiyonin ang umano’y kawalan ng katarungan sa pagka­kasangkot niya sa kaso dahil pumasok siya sa Banco Filipino noon lamang 2009, o tatlong taon matapos ang uma­no’y pagmamalabis ng mga opisyales ng banko.

“To all my friends, allow me to inform you that I am now being arrested from my house by police officers of Manila on the basis of a warrant of arrest issued by the RTC of Manila Branch 10 for criminal charges that were alleged committed by officials of Banco Filipino from 2003 to 2006, clearly appearing on the face of the Infor­mation filed by the prosecutor, when in truth and in fact I joined the Bank only in 2009. I am not posting bail until I am brought before the judge where I will question this abuse of process and travesty of justice,” paha­yag ni Yasay sa kanyang Facebook account.

“Please include me in you prayers for my deliverance,” panawagan ni Yasay.

HATAW News Team

About hataw tabloid

Check Also

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *