Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sa Calbayog… Bangka lumubog 49 pasahero, ligtas

NAILIGTAS ang hindi bababa sa 49 pasahero ng isang bangkang de motor na lumubog sa karagatan ng lungsod ng Calbayog, sa lalawigan ng Samar noong Lunes ng umaga, 12 Agosto.

Nabatid na kaaalis ng M/B Miar Romces ng Calbayog City Port dakong 11:00 am nang makasalubong ang malalakas na hangin at alon na mas malaki pa sa bangka.

Patungo ang bangka sa bayan ng Tagapul-an, isang maliit na isla na nasa lalawigan din ng Samar.

Ayon kay Seaman Reni Costimiano ng Philippine Coast Guard sa Calbayog, lumubog ang bangka nang mapuno ito ng tubig mula sa mga along pinalakas pa ng habagat.

Dagdag ni Castimiano, nakakapit ang ibang pasahero sa nakataob na bangka habang ang iba ay nagpalutang-lutang na sa dagat nang dumating ang mga rescuer.

Nasugatan ang ilang pasahero ngunit walang naitalang namatay sa insidente.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …