Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
thief card

9 Koreano timbog sa kasong Phishing

NADAKIP ang siyam na Korean nationals sa operasyon na ikinasa ng National Bureau of Investigation – Special Action Unit (NBI-SAU) matapos magnakaw ng impormasyon ang mga suspek upang gamitin sa transaksiyong pampi­nansyal at ilipat sa ibang bakanteng tarheta sa Angeles, Pampanga, noong Sabado.

Kinilala ni NBI Director Dante Gierran ang mga suspek na sina Jung Ju Wan, Kim Tae Yang, Oh Young Seong, Song Jon Min, Jin Jung Young, Sung Won Kang, Yeong Hak Tak, Young Jo Choi at isang Kim Daw Hyun na pinaghahanap ngayon.

Ayon sa NBI, may­roong pag-aaring mga pekeng bank cards at password machines ang grupo na ginagamit nila sa paglilipat ng pera mula sa mga biktima hang­gang sa bank accounts na kanilang pag-aari.

Gumagamit ang gru­po ng duplicate blank cards upang madoble ang mga account na kanilang ginagamit sa tran­sak­siyon.

Naghain ang NBI-SAU ng warrant to search, seize and examine com­puter data (WSSECD) matapos magkasa ng search warrant sa mga suspek.

Narekober ang mga personal computers, laptops, keyboards, com­puter cables, modem, router, telephones, micro­phone, cards, POS at OTPs.

Nakuha rin mula sa tinutuluyan ng mga suspek ang mga paketeng hinihinalang shabu at nagpositibo mula sa paggamit ng metham­phetamine hydrochloride at marijuana.

“Ginagamit nila ito sa pansariling pleasure,” ani Deputy Director for Investigation Ferdinand Lavin.

Samantala, nahaha­rap sa kasong fraud sa Korea ang isa sa siyam na suspek na si Kim Tae Yang na umano’y pugante sa kanilang bansa.

Sinampahan ng kasong paglabag sa RA 8484 (Access Devices Regulation Act of 1998) at RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) ang mga suspek. (RICA ANNE DUGAN, trainee)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …