Monday , December 15 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sa utos ni Mayor Isko: Baseco sinuyod 3 patay sa ‘SONA’

PATAY ang tatlo katao habang 1,000 kalalakihan ang pinigil nang ipatupad ang Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operation (SACLEO) ng pinagsanib na puwersa ng Philippine National Police (PNP), Manila Police District at CIDG, sa Baseco Compound, Port Area, Maynila, kahapon ng hapon, 11 Agosto. 

Isinagawa ang pagsalakay sa naturang lugar dakong 2:00 pm ma ikinabulaga ang mga residente.

Isinagawa ang ope­rasyon nilang tugon sa kautusan ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso na linisin ang Baseco laban sa kriminalidad at droga.

Pinangunahan ni P/Col. Antonio Yarra, deputy director ng MPD ang naturang opera­syon.

Isasailalim sa beripi­kasyon ang lahat ng kala­lakihan na inaresto at binitbit sa basketball court.

Ang mga kalalakihan na may records, warrant of arrest at sangkot sa droga, ihihiwalay habang pauuwiin ang mga wa­lang kaso.

Habang isinusulat ang balitang ito, patuloy pa rin ang operasyon.

Inaalam ng pulisya ang pagkakilanlan ng tatlong napaslang mata­pos manlaban sa mga pulis.

HATAW News Team

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Joey Salceda

Salceda, walang kinaalaman sa ‘2024 national budget insertions’

MATINDING pinabulaanan ni dating Albay Rep. Joey Sarte Salceda ang paratang na mayron siyang kinaalaman …

Nartatez PNP

PNP sa Ilalim ni Chief Nartatez: Disiplina, Aksyon, at Kongkretong Resulta

Sa larangan ng pagpapatupad ng batas, hindi nasusukat ang pamumuno sa dami ng sinasabi o …

Grab LTFRB

Grab PH respetado utos ng LTFRB 50% bawas sa pasahe ng TNVS

IGINAGALANG  ng Grab Philippines ang utos ng pamahalaan na bawasan pansamantala ng 50% ang pasahe …

American Bully Dog Kobe

Valenzuela LGU kinondena karumal-dumal na pagputol sa dila ng American Bully

GALIT at bibigyan ng hustisya ng Valenzuela local government unit (LGU), maging ang may-ari ng …

Patas na pasahe para sa TNVS drivers at pasahero

IKINABAHALA ng TNVS Community Philippines ang Memorandum Circular ng LTFRB na nagbababa sa surge pricing …