Friday , December 27 2024

Bagong serye ng Dreamscape sa iWant, interesting

INTERESTING ang bagong handog ng Dreamscape Digital sa iWant TV, ang Batang Poz na mapapanood na simula bukas, Biyernes, Hulyo 26.

Tampok sa seryeng ito sina Mark Nuemann, Fino Herrera, Paolo Gumabao, at Awra Briguela na gaganap bilang mga teenager na may HIV. Idinirehe ito ng award-winning writer-director na si Chris Martinez at base sa nobela ng Palanca-winning author na si Segundo Matias, Jr..

Magbibigay daan ang seryeng ito ukol sa HIV na bibigyan ng pag-asa ang mga taong mayroon nito pati na ang kanilang mga pamilya. Dadalhin ng serye ang mga manonood sa araw-araw na pinagdaraanan ng mga taong may HIV o “poz,” mula sa mga pag-aalinlangan na dala ng sakit, sa pangangalaga ng kanilang kalusugan sa pamamagitan ng mga gamot, at sa paglaban sa panghuhusga ng ibang tao.

Gagampananan ni Mark si Gab, isang 16-anyos na bisexual na may girlfriend at nahulog ang loob sa lalaking best friend. Gaganap naman si Fino bilang si Luis, 15, isang Filipino-Chinese na mahilig sa dating apps at masasanay sa pakikipagtalik nang walang condom.

Bibigyang buhay naman ni Awra si Chuchay, 15, isang masayahing batang lumaki sa kahirapan at gagamitin ang sex para kumita ng pera para sa pamilya. Samantala, si Paolo naman si Enzo, isang 16-anyos na Wattpad writer na hindi kailanman naramdaman ang pag-aaruga ng  mga magulang at isasakripisyo ang kalusugan para sa pagmamahal ng isang lalaki.

Magkakakilala sina Gab, Luis, Enzo, at Chuchay sa internet at kalauna’y magiging magkaibigan at magkikita sa isang coffee shop. Mula rito, magsisimula ang samahan nila para damayan at paghugutan ng pag-asa ang isa’t isa, harapin ang mga hamon na dala ng HIV, at ipagpatuloy ang buhay para sa kani-kanilang mga pangarap.

Bukod sa serye, palalawigin pa ng iWant ang pagbibigay ng impormasyon sa HIV sa isang exclusive special na Poz Talk kasama si Karen Davila, ang apat ng bida ng serye, ang author ng nobela, at mga taong may HIV na ibabahagi ang kanilang mga karanasan.

Samantala, ang Pilipinas ang isa sa mga bansa na may pinakamaraming naitatalang kaso ng HIV sa buong Asia-Pacific region, ayon sa Department of Health (DOH). Pabata rin nang pabata ang nakakukuha ng naturang virus, lalo na ang mga Pinoy na may edad 15 hanggang 24, base sa datos ng Philippine National AIDS Council. Ngayong 2019, iniulat ng DOH na may 38 na bagong kaso ng HIV ang naitatala araw-araw, mula sa 32 noong 2018.

Ang Mga Batang Poz ay isinulat ni Jerry Gracio mula sa nobela at ipinrodyus ng Unitel, StraightShooters, Inc., at Dreamscape Digital.

Kasama sa cast ditto sina Yayo Aguila, Bobby Andrews, Joem Bascon, Gardo Versoza, Rita Avila, Mark Rivera, Benedict Campos, Raven Molina, Chesca Inigo, Patty Mendoza, Soliman Cruz, Tarek El Tayech, Dolly De Leon, Marina Benipayo, Chienna Filomeno, Ricardo Cepeda, Andrew Gan, Arnold Reyes, Angeli Agbayani, at Irma Adlawan.

Kaya watch na ang buong anim na episodes ng Mga Batang Poz pati na ang Poz Talk ngayong Biyernes (Hulyo 26) sa iWant app (iOS at Android) o sa iwant.ph.

Para naman sa HIV counseling, testing, paggamot, at iba pang katanungan, kontakin lamang ang Love Yourself Inc. at i-email ang [email protected] o bisitahin ang www.loveyourself.ph. Maaari ring tumawag sa National Youth Commission hotlines na 426-8479 at 371-4603.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *