Tuesday , January 6 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Dapat unanimous decision?

BUMILIB kay Senador Manny Pacquiao ang mga kilalang miron ng boksing  sa lahat ng panig ng mundo nang talunin ng tinaguriang Pacman ang mas  batang boksingero at kampeon ng WBA super welterweight na si Keith Thurman via split decision.

Humihirit pa nga sila na dapat ay unanimous decision ang naging verdict ng tatlong hurado na talaga namang dinomina ng Pinoy boxer ang halos lahat ng rounds maliban sa Rounds 6, 7 at 8.

May punto ang mga miron dahil iyon din naman ang pananaw ng mga eksperto sa boksing.  Pero siyempre ang desisyon ng hurado ay pinal kaya kuntento na lang lahat sa split decision.

Tingin natin, medyo malaki na ang ibinaba ng laro  ni Pacquiao.   Kitang-kita na napagod na siya pagkatapos ng Round 5 kaya medyo nagpahinga sa laban na sinamantala naman ni Thurman.

Ikanga, may second wind ang mga boksingero kaya muling nakabalik sa round 9 para tumapos ng may lakas pa.

Sa kabuuan, impresibo pa rin ang inilaro ni Pacman.   Biruin mong sa edad niyang 40 ay mabibilis pa rin ang pamatay niyang suntok na hindi nakita ni Thurman sa Round 1.

Siguro naman, wala nang patutunayan si Pac­quiao, puwede na niyang ikunsidera  ang pagreretiro.

KUROT SUNDOT
ni Alex Cruz

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Alex Cruz

Check Also

Pato Gregorio PSC PHILTA

Paris Olympic silver medalist Krevic, world No. 45 Maria nanguna sa maagang listahan ng mga kalahok sa PH Open

PANGUNGUNAHAN ng dating world No. 2 at Paris Olympic silver medalist na si Donna Krevic …

Bambol Tolentino

Manila unang punong-abala sa 2028
Tolentino pangungunahan paglikha ng SEA Plus Youth Games

PANGUNGUNAHAN ni Philippine Olympic Committee (POC) President, Abraham “Bambol” Tolentino ang pagbuo sa Timog-Silangang Asya …

PH SEA Games Medals

Pinatutunayan ng Pilipinas ang Lakas sa Olympic Sports sa Kampanya sa SEA Games

MAAARING nagtapos lamang sa ikaanim na puwesto ang Pilipinas sa kabuuang ranggo ng ika-33 Southeast …

PBA TnT vs Magnolia

TNT may twice-to-beat advantage nang manalo sa Magnolia

NAKUHA ng TNT ang twice-to-beat advantage para sa quarterfinals ng PBA Season 50 Philippine Cup …

PH Ailas Pilipinas SEAG

Alas Pilipinas men’s team, nakabawi at nagkamit ng bronze

BANGKOK — Bumangon ang Alas Pilipinas mula sa pagkakaiwan ng dalawang set upang talunin ang …