Sunday , December 21 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sextortion cyber

Misis cyber sex slave ng Sri Lankan na mister

NASAKOTE ng mga operatiba ng  National Bureau of Investigation (NBI), ang isang Sri Lankan national na  inireklamo ng kanyang misis na Pinay dahil ginagawa siyang ‘cyber sex slave’ sa loob ng pitong buwan at mo­lestiyahin ang kanyang anak na babae, nitong Biyernes ng gabi sa San Jose Del Monte, Bulacan.

Napilitan nang ire­klamo sa NBI ng ginang na hindi na pinangalanan ang suspek na Sri Lankan national bilang protek­siyon sa kanilang mag-ina nang maging ang kanyang anak na babae sa unang relasyon ay sinimulan na rin nitong molestiyahin.

Dakong 8:00 pm nang arestohin ang suspek sa loob ng kanilang bahay.

Sinabi ng ginang na ibinebenta ng suspek sa online sa mga dayuhan tuwing isasagawa ang pang-aabuso sa kanya.

Nalaman din na pina­dalhan na rin ng suspek ng mga kopya ng video ang kanilang mga kamag-anak.

Inamin naman ng dayuhan ang pang-aabuso dahil wala siyang pera.

Inihahanda na ng NBI, ang pagsasampa sa dayuhan  ng kasong paglabag sa RA 9208 o Anti-Trafficking in Persons Act of 2003, RA 9262 o Anti-Violence Against Women and Children Act of 2004, at Cybercrime Prevention Act of 2012, sa suspek.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Laoang Northern Samar PNP

Sa Laoang, Northern Samar
P.1-M cash, alahas isinauli ng nakapulot na magsasaka

PINURI ng pulisya at netizens ang isang magsasaka nang isauli ang napulot na bag na …

Maria Catalina Cabral

DPWH Ex-Usec. Cabral patay sa Tuba, Benguet

HATAW News Team PATAY ang dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) …

Marikina

Pamamahala sa trapiko at seguridad sa Pasko, tututukan ng Marikina LGU

BILANG paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mamimili at motorista ngayong Christmas season, iniutos ni Marikina …

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …