Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pekeng US marine arestado ng NBI

LAGLAG sa kamay ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang Liberian national na nagpanggap na miyembro ng US marine.

Ayon kay NBI Deputy Director Vicente de Guz­man, naaresto si Justine Barlee, unang nagpakilala bilang Jerry Brown at Jerry Rockstone, matapos ipag­bigay alam sa kanila ang plano nitong panloloko.

Ayon kay De Guzman, naghahanap ng financier ang suspek na magpa­paluwal ng US$150,000 para ma-recover umano ang sinasabi niyang pera na naiwan sa Global Cargo shipping company.

Lumabas sa pakiki­pag-ugnayan at imbestigasyon ng NBI sa US Embassy, hindi miyem­bro ng US Marine ang suspek at hindi rin isang American national.

Inaalam ng NBI kung totoo ang mga pangalang ibinigay ng suspek dahil wala umanong identi­fication documents na nakuha sa suspek.

Nahaharap ang suspek sa kasong violation of Article 177 (Usurpation of Authority or Official Functions) at Article 178 (Using Fictitious Name and Concealing True Name) na kapwa nasa ilalim ng Revised Penal Code.

(May kasamang ulat ni Rica Anne Dugan, OJT)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …