Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Sa Gerry’s Grill Aseana Macapagal Blvd., Crispy Pata maanta, supervisor ‘in bad faith’ sa customers

MASAMA ang karanasan ng isa nating kabulabog sa Gerry’s Grill diyan sa Aseana, Macapagal Blvd.

Kamakalawa ng gabi, dumayo roon ang Kabulabog natin kasama ang ilang kaibigan.

Dahil ipinagmamalaki nilang best seller ang kanilang crispy pata, ‘e ‘di ‘iyon ang inorder ng mga kabulabog natin.

Heto na, pagdating ng crispy pata, excited na nagtikiman ang grupo ng kabulabog natin pero…

Wattafak!

Hindi lang maanta, may nalanghap pa silang mabahong amoy. Parang ilado na hindi maintindihan.

Siyempre, agad silang humingi ng audience sa immediate supervisor.

Pero imbes suriin ang inihain na pagkain sa customer, agad nagdepensa ang supervisor at sinabing ‘quality food’ umano ang kanilang isinisilbi.

Kaya naitanong ng kabulabog natin: “Did you taste it?”

At dahil humahaba na ang argumento at kitang-kita naman na ‘in bad faith’ ang supervisor, ipinabalot na lang ng kabulabog natin ang crispy pata para ibigay ang buto sa kanilang alagang aso.

Heto na, pagbalik sa kanila ng crispy pata, nagulat sila kasi mainit na ulit?!

Wattafak!

Ininit ulit para mawala ‘yung mabantot na amoy.

Ang nagtataka tayo, bakit walang disposisyon ang supervisor na suriin ang crispy pata at kapag napatunayan na may problema, e palitan na lang nila.

Aba’y klarong-klaro na ‘in bad faith’ ang supervisor ng Gerry’s Grill diyan sa Aseana Macapagal.

Ang tanong, alam ba ng Gerry’s Grill management ang ginagawa ng supervisor ng kanilang branch sa Aseana Macapagal?!

Kung hindi, dapat siguro ninyong pasyalan ang branch ninyo riyan sa Aseana Macapagal dahil kung hindi baka layasan kayo ng mga customer ninyo.

Paging Gerry’s Grill management!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …

Dragon Lady Amor Virata

Si general social media at tv ang gusto, ayaw sa diyaryo, para sikat!

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SINO itong General na binara-bara ang mga diyarista at …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Tsismis vs katotohanan

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMI nang naganap na pagdinig sa Blue Ribbon Committee tungkol sa …

Sipat Mat Vicencio

Chiz, Jinggoy ‘patay na ang karera sa politika’

SIPATni Mat Vicencio DAHIL sa iba’t ibang kontrobersiyang kinakaharap nina Senator Chiz Escudero at Senator …